^

Punto Mo

Disiplina o Diskarte?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SA dami ng sasakyang bumabaha sa kalsada ng Metro Manila, malinaw na kailangan talaga ng disiplina. Pero ang tanong ng marami, disiplina ba ang habol o panibagong paraan lang para mas madaling maningil?

Nagdesisyon na ang Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon laban sa No Contact Apprehension Policy (NCAP). Hindi dahil sinabi nitong mali ang lahat ng reklamo, kundi dahil may bago nang Metro Manila Traffic Code na pumalit sa dating sistema. Sa madaling salita, naluma na ang pinagtatalunan kaya wala nang saysay na balikan ang lumang patakaran.

Kasabay nito, inalis na rin ang pansamantalang pagpapatigil sa NCAP na ilang taon ding naging usapin sa mga motorista.

Pero kahit may bago nang mga alituntunin, hindi ibig sabihin tapos na ang tanong ng publiko. Hanggang ngayon, may mga driver pa ring nag-aalala kung patas ba ang proseso, kung sapat ba ang pagkakataong makapagpaliwanag, at kung ligtas ba ang paggamit ng kanilang personal na impormasyon.

Ang problema kasi sa Pilipinas, ang bilis gumawa ng paraan para manghuli, pero ang bagal ayusin ang mga sirang kalsada, sablay na traffic lights, at gulong dulot ng kakulangan sa maayos na pamamahala. Kapag ordinaryong motorista ang nagkamali, may multa agad. Pero kapag sistema ang pumalpak, parang walang mananagot.

Walang masama sa paggamit ng teknolohiya kung ang pakay ay kaayusan. Pero hindi sapat na modernong kamera lang ang ipakita. Dapat modernong pagtrato rin sa karapatan ng bawat motorista. Dahil ang batas, hindi lang dapat mahigpit dapat patas din.

Disclaimer: Ang artikulong ito ay opinyon lamang ng may-akda batay sa mga inilabas na ulat at pampublikong impormasyon. Hindi ito opisyal na pahayag ng alinmang ahensiya o institusyon.

DISIPLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with