^

Punto Mo

Maid of Honor (124)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Inah sa nakita—si Kuya Rocky! Patungo ito sa kinaroroonan niya. May dalang itim na bag. Kung hindi siya nagkakamali, yun ang bag na kinalalagyan ng pera.

Pero ang labis na ipinagtataka ni Inah ay di ba’t napabalitang patay na si Kuya Rocky. Napatay daw ito ng sindikatong Chinese at inagaw ang pera na nasa black bag. Siya ang nagtago sa black bag sa utos ng pinuno ng sindikato. Pero nawala si Kuya Rocky at napabalitang napatay ng sindikato.

Pero hindi maaring magkamali ang kanyang dalawang mata—buhay na buhay si Rocky at ngayon ay patungo sa kinaroroonan niya.

Nag-isip si Inah ng gagawin para makatakas. Tiyak papatayin siya ni Kuya Rocky. Tatakas siya. Magdadaan siya sa bintana!

Tatakbo na si Inah nang bigla siyang tawagin ni Rocky.

“Inah sandal!’’

Pero tuluy-tuloy si Inah. Tatakasan niya si Rocky. Delikado ang buhay niya rito. Papatayin siya ni Rocky!

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with