Suspendidong Cavite mayor, sinampahan pa ng 65 kaso
MANILA, Philippines — Nasa 65 na karagdagang reklamong korapsyon ang inihain laban kay suspendidong Silang, Cavite Mayor Alston Kevin Anarna sa Office of the Ombudsman
Sa isinumiteng kaso ni Acting Mayor na si Ted Carranza, nakakalap umano sila ng mas malinaw na ebidensya na nagpapatunay na si suspended Mayor Anarna, at mga kasabwat na mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na pinangungunahan ng kanyang kapatid bilang chairman, ay nangulimbat ng may mahigit 11-milyong piso na diumano’y ginastos para sa pagkain sa mga napag-alamang pekeng okasyon na ginanap noong 2023.
Malinaw umano sa mga records na tapos na ang mga okasyong ito nang isagawa ang mga bidding para sa mga pagkain para sa di tinukoy na okasyon.
TInawag naman ni Anarna, na political harassment ang walang basehan na mga akusasyon at sinabing kanyang haharapin lahat ng mga kasong isasampa laban sa kanya.
Giit ni Anarna, nag-aambisyong tumakbo si Carranza bilang alkalde ng Silang sa darating na halalan.
Matatandaan na nasuspinde si Anarna nitong nakaraang buwan matapos ireklamo at sampahan ng kasong korapsyon kasama ang kapatid nitong chairman ng BAC.
- Latest