^

Punto Mo

EDITORYAL - Bitawan na ang POGO

Pang-masa
EDITORYAL - Bitawan na ang POGO

MAY koneksiyon ang pagdami ng Chinese nationals sa bansa at ang Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO). Mula nang mag-operate ang POGO sa bansa noong 2017 sa panahon ng Duterte administration, hindi na mapigilan ang pagdagsa ng mga Chinese na nagtatrabaho nang ilegal. Pati mga estudyanteng Chinese, dumagsa na rin. Kamakailan lang, natuklasan na may mga doktor at nurses na Chinese na rin na nagtatrabaho sa isang ospital na ang mga parukyano ay Chinese workers ng POGO.

Nabuking ang ospital nang salakayin ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang compound sa Pasay City kamakailan. Hindi mapapansin ang ospital dahil ang signages ng building ay Chinese characters. Moderno ang ospital at kumpleto sa gamit. May mga dialysis machine, laboratory at surgery, hair transplant, cosmetic enhancement, dental chair at iba pa. Mayroon ding botika sa ospital.

Noong nakaraang Marso, 800 katao ang na-rescue ng PAOCC sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sangkot ang POGO hub sa human trafficking, scam at illegal detention. Ayon sa PAOCC, sinalakay nila ang POGO hub makaraang magreklamo ang isang Vietnamese national na nakatakas sa POGO hub.

Subalit ang nakaka-shock dito, pati ang mayor ng Bamban, Tarlac ay inaakusahang operator ng POGO. Nang imbestigahan ng Senado si Mayor Alice Guo, wala siyang maipakitang birth certificate, school record at iba pa. Kinukuwestiyon na si Guo ng Office of Solicitor General at maging ng Commission on Elections.

Malawak na ang perwisyong hatid ng POGO sa bansa. Sa halip na makatulong sa ekonomiya ng bansa, pawang problema ang idinulot. Mula nang mag-operate ang POGOs sa bansa, marami nang nangyaring krimen na kinabibilangan ng pagpatay, kidnapping, human trafficking, crypto scam, money laundering, prostitution at iba pa. Dito pa sa bansa dumayo ang mga Chinese national at nagkakalat ng lagim.

Maraming mambabatas ang pabor na buwagin na ang POGOs sapagkat ayon sa kanila, walang napapakinabangan dito. Maraming senador ang nagpahayag na dapat nang buwagin ang POGOs sapagkat hindi naman nagbabayad ng buwis.

Sa kabila na maraming mambabatas ang pabor sa pagbuwag sa POGOs, wala pa ring pagkilos sa panig ng pamahalaan. Hihintayin pa ba na dumami pa ang mga Chinese sa bansa at malunod sa krimen at kahihiyan ang bansa dahil sa ginagawang perwisyo ng mga ito? Nakapagtataka kung bakit ayaw bitawan ang POGOs sa kabila na maraming kasamaan ang nililikha sa bansa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with