^

Punto Mo

EDITORYAL - Unahin, mga pulis na scalawags

Pang-masa
EDITORYAL - Unahin, mga pulis na scalawags

ITINALAGANG bagong Philippine National Police (PNP) chief si Gen. Rommel Marbil noong Abril 1. Siya ang ika-30 PNP chief at pamumunuan ang 228,000 kapulisan. Pinalitan niya ang nagretirong si Gen. Benjamin Acorda Jr.

Sa talumpati ni Marbil makaraang manumpa, isasakatuparan daw niya ang mga ninanais ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa ikauuunlad ng bansa. Isasakatuparan umano niya ang mga pangarap ng Presidente na maging matatag ang ekonomiya, maayos na lipunan at kapulisan. Matutupad umano ang mga mithiin ng Presidente para sa bansa.

Halos lahat ng mga nanungkulang PNP chief ay may pangako kapag itinalaga na sa puwesto, subalit hindi natutupad ang kanilang mga pinangako. Marami nang naging PNP chief pero nagretiro sila na wala ring natupad sa mga pinangako particular na ang pagpapatino o paglipol sa mga pulis na gumagawa ng kasamaan. Hindi na lingid sa mamamayan na nakulapulan na ng putik ang imahe ng PNP dahil sa mga scalawags na miyembro. Mismong mga miyembro ang sumisira.

Isa sa mga pinapangarap ng mamamayan ay magkaroon ang PNP ng mga pulis na mapagkakatiwalaan, marangal, matulungin, handang magprotekta at magtanggol sa oras ng pangangailangan.

Hindi na mabilang ang mga pulis na nasangkot sa masasamang gawain. May nanghuhulidap, may kidnaper, may akyat-bahay at ang matindi, nagre-recycle ng illegal na droga. Bagama’t may mga mapagkakatiwalaan pang pulis, iilan na lamang sila. Mas marami ang masasamang pulis na kinatatakutan ng mamamayan. Natatakot silang lapitan ang nakaunipormeng pulis sapagkat baka ito pa ang magpahamak sa kanila.

Noong nakaraang Sabado de Gloria (Marso 30), isang motorcycle rider ang pinagbabaril ng isang pulis sa San Dionisio, Parañaque City. Nilapitan ng pulis na si Jayrome Licuanan y Bulay-Og, miyembro ng PNP-Mobile Patrol Security Unit ng Aviation Security Group si Neil Wong, 27, at tinangkang agawin ang motorsiklo nito. Pumalag si Wong kaya binaril ng pulis ng tatlong beses. Isang witness ang nakakita sa mga pangyayari. Naaresto ang suspect ng mga nagpapatrulyang pulis mula Parañaque City Police Sub-station 4. Nakuha sa suspect ang cell phone at ATM card ng biktima. Sabi ng suspek na pulis, binaril niya ang biktima dahil minura at binato siya nito. Sinampahan na ng kaso ang suspect.

Nakakatakot ang mga pulis. Sino pa ang lalapitan kung may biglaang pangangailangan? Sino ang magtatanggol laban sa mga criminal kung ang pulis mismo ang criminal?

Maraming problema na kinakaharap si General Marbil sa pag-upo niya sa PNP. At pinakamabigat ay ang problema sa mismong mga tauhan niya. Unahin niya ito.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with