^

Punto Mo

‘No take policy’ ni Nartatez, pabor sa PCSO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Ano na ang mangyayari sa “no take policy” ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez sa illegal gambling? Halos siyam na buwan na si Nartatez sa puwesto at ganundin katagal ang gutom na inabot, hindi lang ng mga financier ng sugal lupa kundi maging ng kapulisan. Kaya’t halos walang major accomplishments ang NCRPO dahil sa walang pantustos ang limang police districts sa operations vs criminal syndicates? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kaya sa pag-upo ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil nakatingin ang mga Pinoy kung ano ang gagawin n’ya sa “no take policy” ni Nartatez, na karibal niya sa pagka-CPNP. Si Marbil ay suportado ni House Speaker at presidential cousin Martin Romualdez samantalang ang nasa likod naman ni Nartatez ay si Presidential sister Sen. Imee Marcos.

Sino kaya sa kanila ang mas matatag kay President Bongbong Marcos? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa tingin naman ng mga kosa ko lamang si Marbil dahil siya ang pinili ni BBM na maging PNP chief. Get’s n’yo mga kosa? Kaya si Nartatez ay tiyak susunod sa lahat ng programa at alituntunin ni Marbil, lalo na sa illegal gambling. Anong sey n’yo mga kosa?

Dinalaw na ni Marbil ang NCRPO noong Martes at sinabi ng mga kosa ko na taimtim na nag-usap sila ni Nartatez. Naging paksa kaya nila ang “no take policy” ni Nartatez? Kinaugalian na ni Marbil na kapag dinalaw niya ang isang unit, matic na ma-promote ang hepe nito. Subalit wala pang balita kung iaakyat ba si Nartatez o i-retain s’ya. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang umiikot na Marites sa Camp Crame ay aalis si Nartatez sa NCRPO kapag nag-one year na siya. Araguyyyyyy! Tatlong buwan pa ang gutom na mararanasan ng taga-Metro Manila, di ba mga kosa? At pagkalipas ng tatlong buwan ay iaakyat na si Nartatez o makipag-swap siya sa isang magandang puwesto sa PNP. Tsk tsk tsk!

May ganyan pala na namimili ng puwesto sa PNP, no mga kosa? Hehehe! Pinaikut-ikot pa si Nartatez eh puwede namang siyang idiretsong CPNP. Dipugaaaaa!

Kapag na-retain si Nartatez sa NCRPO, walang win-win solution dito sa “no take policy” n’ya, ayon sa mga kosa ko. Kapag pumayag siyang magbukasan ang sugal-lupa sa Metro Manila, tiyak marami ang magiging happy. Subalit tutuligsain si Nartatez na hindi pala niya kayang ipaglaban ang kanyang inumpisahan.

Kapag ipinagpatuloy naman niya ang kanyang “no take policy”, abayyyy lalong darami ang magagalit at mananalangin na ‘wag siyang maging CPNP dahil naghihikahos na ang mga Pinoy sa Metro Manila. Kakastiguhin din siya na hindi team player. Mismooo!

Maging ang mga pulis ay gusto ring ma-promote na si Nartatez para magkalaman din ang kanilang bulsa. Hindi makuhang pumitik ng mga pulis sa sugal lupa at paktay sila kapag naging CPNP si Nartatez. Dipugaaaaa! Ang sakit sa bangs nito.

Ang problema lang, may umiikot na kalalakihan sa Pinas para ikuha ng payola si Marbil sa sugal lupa, kaya ibig bang sabihin nito hindi siya pabor sa “no take policy” ni Nartatez?

Ang “no take policy” ni Nartatez ay pabor sa PCSO subalit hindi naman tumataas ang kubransa ng STL sa Metro Manila. Ang mga financiers nga ng STL ay pumasok na rin sa illegal, tulad ng EZ2, para madagdagan ang kubransa nila. Sal-it!

Hindi lang ‘yan. May mga bukas ding sugal lupa sa Metro Manila ay may kumukolekta para kay Nartatez. Araguyyy! May nambubukol kay Nartatez? Abangan!

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with