^

Punto Mo

Zombie cells: ‘Susi’ sa pagtanda

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Isang realidad sa buhay natin na sa tuwing papasok ang bagong taon, tumatanda rin tayo ng isa pang taon. Takdang madagdagan ang edad ng bawat tao pagsapit ng kanyang kaa­rawan sa alin man sa mga darating na buwan ng bawat papasok na bagong taon. Siyempre pa, hindi ito maiiwasan. Lahat tayo ay tumatanda sa pagdaan ng maraming taon. At nagiging karaniwang kasabay ng pagtanda ang pagsulpot ng iba’t ibang sakit.

Mapipigilan ba ang pagtanda ng tao? Kung hindi mapipigilan, maaari ba itong mapabagal o maantala? Isa itong usapin na matagal nang hamon sa siyensiya at patuloy na hinahanapan ng kasagutan. Kabilang sa matagal nang pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang tinatawag na senescent cells na kumakalat sa katawan na parang zombies kaya tinatawag din itong zombie cells.

May 60 taon na ang nakakaraan nang matuklasan ito ng mga scientist.  Naiipon sila at dumarami at  nagdudulot ng mga inflammation at sakit habang tumatanda ang tao. Sinasaliksik ng mga scientist kung saan-saan sa katawan ng tao matutukoy ang mga selulang ito na sinisikap nilang maunawaan at makilala.

Meron na ngang ineeksperimentong mga gamot na sinasabing may potensiyal na makapagpatanggal ng mga zombie cell na ito at maantala hangga’t maaari ang pagtanda ng tao. Ayon sa isang artikulo sa Popular Mechanics, lumitaw sa ilang pag-aaral ng mga research group ng Mayo Clinic noong 2012 at 2016 na ang mga genetically engineered mice  na walang senescent cells ay nagiging malusog nang napakatagal habang tumatanda at walang palatandaan ng mga sakit na senyales ng pagtanda.

Isang leading senescent cell researcher sa Mayo Clinic na si James Kirkland ang nagpaliwanag na maraming dahilan sa pagkakaroon ng senescent cell. Maaaring magdulot ng senescent cell ang DNA damage, mga virus na tulad ng coronavirus, herpes at HIV at kahit mga bacterial changes sa gut microbiome.

Umaasa kasi ang mga eksperto na, kung makakahanap ng solusyon sa naturang mga zombie cell, malulunasan sa isang pasadahan ang mga sakit na kaakibat ng pagtanda. Ipinalalagay naman ng mga ekspertong tulad ng aging researcher na si Matt Yousefzadeh ng Columbia University na, kung maiwawaksi ang mga zombie cell sa katawan, mapapabagal ang pagtanda at mapuksa ang maraming sakit na kasama nito sa isang buhos.

Hindi tulad sa kasalukuyang sitwasyon na, habang ginagamot halimbawa  ng duktor ang sakit sa puso ng isang senior citizen, lumalabas naman kinalaunan ang diabetes. Kung mapapababa ang alta presyon ng isang matanda, nagkakarayuma naman ito.

Gayunman, sinasabi ng mga dalubhasa na, kahit wala pang gamot laban sa zombie cells, meron pa namang magagawa ang mga tao. May mga ebidensiya na natural na nababawasan ang senescent cells sa katawan sa iba’t ibang pagbabago sa pamumuhay.

Lumalabas sa isang pag-aaral ng grupo ng aging researcher na si Natathan LeBrasseur ng Mayo Clinic noong 2021 na nababawasan ang mga marker ng senescence ng mga mas matatandang mga tao na lumahok sa isang 12-week structured exercise program. Naging malulusog ang pangangatawan ng mga kalahok dito. Nakaaapekto rin sa pagtanda at sa senescence ang tamang diet.

Ang tinatawag na caloric-restriction diet ay lumalabas na epekto sa paglilinis ng mga selula at sinasaliksik din ng mga researcher ang epekto ng fasting sa katawan.

••••••

Email: [email protected]

vuukle comment

BAGONG TAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with