^

Punto Mo

Ginang sa U.S., buntis sa dalawa niyang matris!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 32-anyos na misis sa Alabama na may double uterus ang nagdadalantao sa parehas niyang matris!

Si Kelsey Hatcher ay ipinanganak na may “ute­rus didelphys” ito ay isang rare condition kung saan may dalawang bahay-bata o matris ang reproductive system ng isang babae.

Sa panayam kay Hatcher, hindi makapaniwala ang kanyang mister nang sabihan niya ito na dalawa ang kanyang ipinagbubuntis. Lalo pa raw itong nagulat nang malaman na hindi ito kambal dahil nasa magkaibang matris ang mga sanggol. Ito ang ika-apat na pagbubuntis ni Hatcher. Ang mga nauna niyang anak ay may edad 7, 4 at 2.

Ayon sa doktor ni ­Hatcher na si Dr. Richard Davis ng University of Alabama Hospital, magiging maselan ang pagbubuntis na ito dahil sa sobrang unique na  kondisyon ng kanyang pasyente. Kakailanganin ng mas matinding pag-aalaga at pagpaplano sa panganganak ni Hatcher dahil maaaring magkaibang oras o araw ang paglabas ng mga sanggol.

Wala pang ideya ang mga doktor kung magiging natural birth o c-section ang panganganak ni Hatcher. Ayon sa mga ito, mas delikado kung c-section dahil dalawang beses gagawa ng incision sa mga uterus ni Hatcher. Mas mara­ming incision, mas maraming dugong mawawala sa pasyente.

Sa ngayon, umaasa si Hatcher at ang pamilya nito na maging ligtas ang pagbubuntis nito at maipanganganak na malusog ang dalawang sanggol.

vuukle comment

PREGNANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with