^

Punto Mo

Atty. Bernardo, naiwang luhaan sa promotions ng PNP officers!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

TINULDUKAN ni President Bongbong Marcos ang kaguluhan sa Philippine National Police patungkol sa promotions ng mga 3rd level PNP officers na sa sobrang tagal ay nagdulot ng demoralization sa hanay nila. Masayang tinanggap ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang appointment papers ng aabot sa 109 PNP officers para i-promote sila sa next higher ranks.

Ang naiwang luhaan ay si Atty. Alberto Bernardo, ang vice chairman ng Napolcom dahil naiwan s’ya sa ere. Dipugaaaaa! Maagang Pamasko ito ni BBM sa mga na-promote na PNP officials, lalo na sa pamilya nila. Get’s n’yo mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa totoo lang, may punto naman itong si Bernardo kung tutuusin dahil pinairal lang n’ya ang batas, ‘yan nga ay unauthorized strength ng PNP. Subalit may punto rin ang PNP dahil sumunod lang sila sa batas na ang Napolcom mismo ang may gawa. Kaya ang opinion ni Manila Rep. Benny Abante, ng committee on Human Rights, wala sa batas ang problema kundi sa tao.

Sa sobrang tagal na nakabinbin ang promotion papers ng mga PNP officials sa Napolcom, sa CSC at sa Malacañang, abayyyy paglabag na ng human rights ng mga opisyal ito, ani Abante. Tsk tsk tsk! Nagpatawag na ng Congressional hearing si Abante para maresolba ang isyu. Subalit hindi na kailangan ito dahil na-promote na ang mga apektadong PNP officials, di ba mga kosa? Ano pa nga ba! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nanguna sa na-promote ay si Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang Chief Directorial Staff ng PNP. Sa major general naman ay sina Leo “Paco” Francisco; Sidney Hernia, Benjamin Silo Jr., Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., Rommel Marbil, my kababayan Samuel Nacion, Mafelino Bazar, at Joker Cuanso.

Samantalang kasama sa listahan ng brigadier general ang lovely couple na sina Jun at Portia Manalad at sa full-pledged colonel naman ay sina Jay Dimaandal, at Jojo Savares. Congratulations sa PNP officers na bagong promote, lalo na sa mga kandidato sa pagka-PNP chief. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!

Sa dialogue noong Lunes, nakikiusap si Bernardo na ‘wag naman siyang sisihin sa delay ng promotions dahil pinairal lang niya ang batas ayon sa datos ng Department of Budget and Management. Kasi nga, bilyones ang nawawala sa kaban ng bayan sa sobrang units at personnel ng PNP. Kaya lang, sa sobrang tagal ng balitaktakan ng magkabilang kampo sa isyu, abayyyyy nasasagi ang Palasyo kaya’t umaksiyon na si BBM.

Sa totoo lang, sinabi ng mga kosa ko na inamin naman ni Bernardo na may nasa likod ng kanyang pagkilos subalit ayaw niyang pangalanan ito at baka maipit s’ya. Finance Sec. Ben Diokno, ikaw ba ‘yun? Hehehe! Kung magkakaroon ng election ngayon, abayyy iisang boto lang si Bernardo habang ang 237 PNP officers ay aabutin ng libo. Kaya si Barnardo ang iniwan sa ere. Mismooooo!

Sinabi ng mga kosa ko na ang naiwan sa 237 3rd level PNP officers ay susunod na i-promote ng Palasyo at magiging magandang pamasko rin ito kanilang pamilya. Masasabi ng Dipuga na accomplishment din ito ni Aocrda dahil pinilit niyang trabahuhing itulak ang promotion bago siya mag-retiro sa Disyembre 1. Kaya lumalakas ang ugong na i-extend si Acorda, para pahinugin ang “manok” ng Palasyo. Sino kaya ang “manok” ng Palasyo? Ang tiyak lang ay FBI ito. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with