^

Punto Mo

Ahas pizza, pinakabagong flavor ng pizza sa Hong Kong!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Nakipag-collaborate ang sikat na pizza chain sa isang traditional Hong Kong restaurant upang bumuo ng kakaibang pizza na ang toppings ay karne ng ahas!

Ang “Seh Gung” o “Snake Soup” ay isang traditional Cantonese delicacy na pinaniniwalaang maraming medicinal benefits. Ang main ingredient nito ay kombinasyon ng mga karne mula sa dalawang uri ng ahas. Kalimitan, ang karne ng python, water snake, Chinese cobra ang ginagamit dito.

Pinakukuluan ng anim na oras ang snake meat kasama ng iba’t ibang pampalasa tulad ng dried ham, mushroom, ginger, chrysanthemum at iba pa. Paboritong kainin ng mga Cantonese people sa Hong Kong ang Snake Soup kapag panahon ng winter. Kaya sa pagpasok ng winter season sa Hong Kong, nakipagsanib puwersa ang isang sikat na pizza chain sa snake restaurant na Ser Wong Fun para gumawa ng “Snake Pizza”.

Sa collaboration na ito, gumawa sila ng 9-inch pizza na may snake meat, black mushrooms at Chinese dried ham. Imbis na tomato sauce, abalone sauce ang ginamit bilang pizza sauce. Mabibili ito sa halagang 186 Hong Kong dollars (katumbas ng P1,332). Limited edition ang pizza na ito at hanggang Nobyembre 22 maaaring matikman.

vuukle comment

HONG KONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with