^

Punto Mo

Lalaki sa Africa, inaresto dahil nagpapanggap na doktor sa TikTok!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG social media influencer sa South Africa na may 300,000 followers sa TikTok ang hinuli ng mga pulis dahil nagpapanggap itong doktor sa isang ospital!

Dumami ang followers at tagahanga ng 27-anyos na si Matthew Bogani Lani matapos nitong ipagkalat sa TikTok na siya diumano ang pinakabatang doktor sa South Africa. Ayon sa mga videos nito sa naturang social media app, ipinagmayabang nito na ilang beses siyang na-accelerate sa high school at sa batang edad ay natanggap siya sa medical school ng Wits University sa Johannesburg.

Ang madalas na content ni Lani sa TikTok ay mapapanood siyang vini-videohan ang sarili na naglalakad sa pasilyo ng ospital. Nakasuot siya ng puting uniporme ng doktor at may stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg. Sa mga videos, ikinukuwento niyang siya’y magra-rounds sa kanyang mga “pasyente”. Habang ginagawa ito, nagbibigay siya ng mga medical advice sa kanyang followers at kung minsan ay nagpo-promote ng mga gamot at health supplements.

Maraming South African netizens ang humanga kay Lani dahil sa batang edad ay isa na itong doktor. Dahil dito, umabot sa daanlibo ang followers ni Lani sa TikTok. Ngunit noong isang buwan, nabistong nagpapanggap lamang siya bilang doktor at inaresto siya sa Helen Joseph Hospital habang nagvi-video ng kanyang ico-content sa TikTok.

Nagsimulang maghinala ang ilan sa followers ni Lani na pekeng doktor ito matapos itong magkamaling tawagin na “pantric cancer” ang sakit na “pancreatic cancer” sa isa sa mga TikTok videos nito.

Matapos arestuhin, ­naglabas ng statement ang Wits University na hindi nila naging estudyante si Lani. Sinuspinde na rin ng TikTok ang account nito.

Agad ding nakalaya sa kulungan si Lani dahil ayon sa South Africa National Pro­secuting Authority, walang kasong maisasampa kay Lani dahil sa TikTok lamang siya nagpanggap na doktor at walang complainant na nagsasabing nagpakunsulta sila kay Lani.

vuukle comment

DOKTOR

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with