^

Punto Mo

EDITORYAL - Resupply mission, ipagpatuloy

Pang-masa
EDITORYAL - Resupply mission, ipagpatuloy

KAILANGAN ng mga sundalong Pilipino na nagba­bantay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang regular na supply ng pagkain, tubig, gamot, gasolina at iba pa para magampanan ang tungkulin. Hindi ma­aaring ipagpaliban o itigil ang pagdadala ng supply sa mga sundalo sapagkat kakapusin sila. Sa nakaraang re­supply mission noong Oktubre 22, 2023, isang vessel lamang ang nakarating sa Ayungin makaraang hara­ngin at banggain ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard. Ang PCG ang nag-eeskort sa vessels na nagdadala ng supply. Hindi sasapat ang nakarating na supply noong Linggo kaya kailangang magsagawa ng panibagong resupply mission.

Nang kapanayamin ang spokesman ng PCG, sinabi nito na magpapatuloy sila sa pag-eskort sa mga barko na magdadala ng supply sa Ayungin. Yun ang kanilang tungkulin kaya magpapatuloy sila sa pagtupad niyon. Hindi umano sila titigil sapagkat mahalagang maha­tiran ng supply ang mga sundalo lalo pa nga’t isang barko lang ang nakalusot dahil sa pagharang.

Naganap ang pagbangga ng CCG sa resupply boat ng AFP na Unaiza Mayo 2 ilang milya ang layo sa Ayu­ngin Shoal. Makaraan iyon, ang barko naman ng Philippine Coast Guard na nag-eeskort sa resupply boat ang binangga ng Chinese Maritime Militia Vessel. Wala na­mang nasaktan sa mga crew ng resupply boat at PCG. Ang nakagagalit, nanindigan ang CCG na legal ang kanilang pagharang sa mga barko ng Pilipinas na umano’y nagdadala ng illegal cons­truction materials sa BRP Sierra Madre na sakop daw nng kanilang teritoryo. Pumasok umano ng walang pahintulot ang mga barko ng Pilipinas.

Tiyak na magpapatuloy pa ang mga mapanganib na ginagawa ng CCG sa mga barko ng Pilipinas at posib­leng may masaktan na o mamatay. Malaki ang CCG kaysa barko ng Pilipinas at sa padalus-dalos na maniubra nito maaring mawasak ang maliit na barko. Ang nang­yari noong Oktubre 22 na pagbangga ay ikaanim na sa ginawang panggigipit ng CCG sa mga barko ng Pilipinas.

Pero sa kabila ng mga ginagawa ng CCG, matapang pa ring ipinahayag ng PCG na magpapatuloy sila sa pagganap ng tungkulin. Hindi sila susuko, Maski ang AFP ay nagpahayag na ipaglalaban nila ang soberenya ng bansa.

Nang magsalita si Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga bagong heneral ng AFP, sinabi nito na maghanda­ para depensahan ang Pilipinas mula sa anumang uri ng banta. Walang binanggit ang Presidente kung anong bansa ang nagbabanta pero malinaw na ang ginagawa ng China sa WPS ang kanyang tinutukoy.

Maghanda at ipagpatuloy ang resupply mission para sa mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre. Suportahan sila. Hindi dapat hayaan ang China na ma­angkin ang Ayungin Shoal.

vuukle comment

BRP SIERRA MADRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with