^

Punto Mo

EDITORYAL – Kampanya ng LTO vs wangwang, atbp.

Pang-masa
EDITORYAL � Kampanya ng LTO vs wangwang, atbp.

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motoristang gumagamit ng wangwang, blinkers, sirens at iba pang flashing devices. Hindi raw mangingimi ang LTO sa paghuli sa mga lumalabag at paiigtingin pang lalo ang kampanya lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, ang kampanya nila laban sa mga gumagamit ng wangwang at iba pa ay may kaugnayan sa utos ni President Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang buwan laban sa mga taong gobyerno na gumagamit ng mga nabanggit. Pero ayon kay Mendoza, hindi lamang mga taong gobyerno ang kanilang babantayan kundi pati na rin mga pribadong motorista mismo.

Hinikayat ni Mendoza na gamitin ng mamamayan ang “Aksyon on the Spot” hotline 09292920865 para i-text o itawag ang mga sasakyan na gumagamit ng wangwang at sirena sa mga lansangan lalung-lalo na sa Metro Manila. Ireport din daw sa hotline numbers ang online scammers na nagpapanggap na LTO at nagpapadala ng fake traffic violations.

Ipagpatuloy ng LTO ang kampanyang ito at hindi sana manghinawa o sa umpisa lang masigla. Sino ba ang aayaw na masuweto ang mga pasaway na motoristang gumagamit ng wangwang at iba pa. Mabuti nga at may katulong ang HPG sa pagpapatupad ng batas.

Noong Abril 11, ipinagbawal ni President Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang, sirens, at iba pa. Ang kautusan ay nakapaloob sa Administrative Order No. 18. Inatasan niya ang Philippine National Police at iba pang ahensiya na hulihin ang lalabag sa kautusan.

Sana magtuluy-tuloy na ang pagdakma sa mga sasakyang gumagamit ng wangwang at iba pa. Paigtingin ang kampanyang ito na inaabuso. Higpitan din naman nang lubusan ang mga abusadong motorista na dumadaan sa bus lanes. Binabastos na ang MMDA ng mga pasaway at tinatakbuhan. Gumawa sana ng paraan ang MMDA para mapigilan ang mga pasaway sa bus lane. Magtalaga nang maraming enforcers sa entry at exit ng bus lanes.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with