^

Punto Mo

Ang nakaw na manok

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Matinong albularyo si Mang Cincio. Matino dahil ang ginagawa lang niya ay manggamot. May albularyo kasi na nanggagamot pero nangkukulam din. Isang araw ay may dinala kay Cincio na lalaking namimilipit sa sakit ng tiyan. Ang tiyan ay parang lobo na tila nilagyan ng hangin at mukhang puputok na ito sa sobrang laki. Ang mga albularyo ay para ring mga doktor. Iniinterbyu nila ang pasyente upang malaman ang puno’t dulo ng kanyang sakit.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay hindi na nakuha pang makapagsinungaling ang lalaking pasyente na nagngangalang Gadon. Noong isang araw ay nakipag-inuman siya sa mga kabarkada na ang pulutan ay adobong manok. Bago siya mamulutan ay naikuwento ng mga kainuman na ang manok ay ninakaw ng mga ito sa poultry ni Paeng. Magkaganoon pa man, tuluy-tuloy pa rin ang paglapang niya sa manok. Wala siyang pakialam dahil magkaaway sila ni Paeng.

Pagkatapos marinig ni Cincio ang kuwento ay nagpasya itong dalhin si Gadon kay Paeng na isa rings albularyo. May nakaraang away ang dalawa at sa tingin niya ay si Paeng lang ang makagagamot kay Gadon dahil natitiyak niyang ito mismo ang kumulam sa pasyente. Pagkatapos ng gamutan at paghingi ng tawad ni Gadon tungkol sa nakaraan nilang away, naitanong nito kay Paeng:

“Ba’t pinarusahan mo ako? Hindi ako kasali sa pagnanakaw ng manok mo ah?”

“Pinarusahan ko pati ang mga kainuman mo. Kita mong nagsakitan din ang kanilang tiyan at mga nagtae.”

“Bakit ako lang ang lumaki ang tiyan?”

“Kasi alam mo nang nakaw ito pero sige ka pa rin sa pagkain ng nakaw na manok. Kung hindi ka kumain, hindi ka tatablan. Kinunsinti mo ang mga kasama mo dahil galit ka sa akin. At dahil sa galit na iyon kaya mabilis kang tinablan ng kulam.”

vuukle comment

PAENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with