^

Punto Mo

18 PNP officials, resigned na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAIIPIT si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa kontro­bersiyal na problema ng 18 PNP officials na iniwan ng pinalitan niya na si ex-PNP chief Junaz Azurin. Walang magawa si Acorda kundi i-implement ang kautusan ng kanyang Commander-in-Chief na si President Bongbong Marcos na sibakin sa serbisyo ang 18 PNP officials na umano’y sangkot sa droga. Nag-isyu na ng order si Acorda na sundin ang acceptance ng courtesy resignation ng 18 opisyales kahit medyo “nitty gritty” ang proseso nito. Hehehe! Na-demoralize ang mga tauhan ng 18 police officers dahil alam nilang nagbuwis ng kanilang buhay ang kani-kanilang amo kontra droga. Mismoooo!

Sa ambush interbyu sa Camp Crame noong Lunes, sinabi ni Acorda na nasa kanya na ang sulat ni BBM na tinatanggap ang courtesy resignation ng 18 PNP officers. Kaya mula noon, considered as resigned na ang mga ito. Ang tatlong heneral ay naka-floating status na at ang 15 colonels ay nakaumang na para maging heneral. Iginiit ni Acorda na mabilis lang namang palitan ang mga ­opisyal na lilisanin ang PNP dahil matic na may nakatokang papalit sa kanila. Hehehe! Kung sabagay maraming naka-floating na full colonel sa hanay ng PNP, di ba mga kosa?

Patungkol naman kung may benepisyong matatanggap ang 18 opisyal, sinabi ni Acorda hindi niya alam ang specifics ukol dito. Subalit sinabi naman ng kosa kong abogado na kapag nag-resign ang isang pulis, matic na nganga sila sa benepisyo. Hindi ito katulad ng retired na buong benefits ng PNP ang makukuha nila. Eh di wow! Tsk tsk tsk! Nasayang ang dekadang pagbuwis ng kanilang buhay ng 18 opisyal sa pagserbisyo sa Pinas, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Nang tanungin kung puwede pang mag-apela ang 18 opisyal, sinabi ni Acorda na depende na sa kanila ito. “They have the option. Kung ano ang moves nila, I leave it to them,” ani Acorda. Hehehe! Iwas pusoy din si Acorda ‘no mga kosa? Tumpak!

Ipinaliwanag ni Acorda na kasama siya sa 953 3rd level PNP officers na nag-submit ng courtesy resignations, na hiniling ni Azurin. Naging miyembro rin si Azurin sa 5-man committee na nag-review ng isinumiteng dokumento laban sa PNP officers na hindi dapat dahil may pre-conceived theory na siya, ang kosa ko. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Maraming junior officers naman ang demoralisado sa desisyon ni BBM at hiniling nila na ilabas ang hard evidence laban sa mga opisyales na suspetsadong sangkot sa droga. Nararapat lang naman na lumabas ang buong katotohanan at hindi ‘yung namayani ang Marites sa kanilang hanay, anila. Araguuyyyyy! Walang ganang magtrabaho ang mga junior PNP officers. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Nanawagan naman si Acorda sa kapulisan na ‘wag magpadala sa silakbo ng kanilang damdamin at imbes ay maging professional at mag-focus sa kanilang hinaharap na trabaho. “On the part of the whole organization, hinihiling ko lang let us continue to work.”  “Sana hindi tayo maapektuhan dito sa outcome na ito and what I wanted is that each and every personnel will continue to implement and do our law enforcement operations professionally, aggressively. And as I have said tayo lahat dito we are part of it and it’s a call for cleansing of the organization,” ani Acorda. Mismooooo!

Inilabas na ni Maj. Gen. Robert Rodriguez, ng DPRM, ang order na resigned na ang 18 PNP officials, Sa korte na ang mahabang labanan dito. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with