^

Punto Mo

Ayon sa scientists

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

A. Kung ayaw mong maging overweight ang iyong anak, obserbahan mo ang kanyang stress level. Ayon sa pagsasaliksik ng Linkoping University sa Sweden, ang mga batang nakatira sa tahanang puno ng problema ay mataas ang tsansa na maging tabachingching. Kagaya ng dahilan ng matatanda, mas nai-stress ang isang tao, mas malakas siyang kumain.

Ang ating katawan ay may hormone na kung tawagin ay leptin. Ito ang nagbibigay ng signal sa ating utak na busog na tayo. Kung ang isang tao ay problemado, nagpo-produce ang kanyang katawan ng maraming cortisol na isa ring hormone. Kapag maraming cortisol, natatalo nito ang leptin. Ang resulta: Hindi magawa ng leptin ang kanyang trabaho bilang tagapagbigay ng signal na tumigil na ang tao sa pagkain dahil “full” na ang tiyan.

B. Ang pagpapababa ng timbang ay isang paraan para gumaling ang migraine. Ito ang nalaman ng mga researchers nang kumuha sila ng matatabang tao para gamitin sa kanilang pag-aaral. Mas malaki ang sukat ng waistline ng isang tao, mas madalas sumakit ang kanilang ulo. Hindi pa tapos ang ginagawang pag-aaral pero ang natuklasang ito ng mga reasearchers ay worth pursuing. Isang magandang panimula para mapag-aralan pang mabuti ang kaugnayan ng pagiging overweight sa pagsakit ng ulo.

C. Base sa ginawang pag-aaral noong 2009 tungkol sa health benefits ng pakikipaghalikan, bumaba ang stress hormone cortisol level ng mga magnobyo pagkaraang maghalikan ang mga ito. Sinukat din ng mga researchers ang hormone cortisol level habang naka-holding hands sila. Mas higit ang ibinaba ng stress hormone cortisol level pagkaraang maghalikan kaysa noong nag-holding hands sila.

vuukle comment

OVERWEIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with