^

Punto Mo

Marantan, beterano sa pakikibaka vs kriminal at terorista!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

ISINUGAL ni CIDG-NCR chief Col. Hansel Marantan ang kanyang buhay sa pakikibaka laban sa mga kriminal at terorista. Kung maraming kaso mang inabot si Marantan, tulad ng Atimonan massacre at Ortigas rubout, ‘yan ay dahil ginampanan lang niya ang kanyang trabaho bilang pulis. Kaya naman nagkakaso si Marantan ay dahil nagtrabaho siya, ayon kay Col. Eking Sy, ang retiradong miyembro ng Manila’s Finest. Marami kasing pulis diyan na salingpusa lang, ani Sy. Dipugaaaaa! Hehehe! ‘Ika nga nagretiro lang subalit wala namang ipinakitang kahanga-hangang accomplishment. Mismooooo!

Sa dalawang malaking kaso sa itaas, abayyy nalusutan naman ni Marantan kaya nakabalik siya sa serbisyo. Inabot din niya ang katakut-takot na delubyo, lalo na sa mga kasong inihain sa kanya sa husgado. Sariling pera pa ang ginastos niya. Kaya sa ngayon, tahimik lang si Marantan sa kanyang mga trabaho dahil ayaw na niyang maranasan ang mga kaso. Kaya lang sumabit na naman ang pangalan niya sa kaso ng 13 Chinese na nahuli na naglalaro ng mahjong sa Parañaque City. Mis­mooooo! Hehehe! Weder-weder lang talaga.

Isa sa malaking accomplishments ni Marantan ay nang makasagupa niya at kanyang mga tauhan ang 30 armadong kalalakihan na nanloob sa RCBC sa Cabuyao, Laguna noong 2008. Ang grupo ay sangkot sa maraming nakawan sa banko at hostage-taking sa maraming bahagi ng bansa. Kilala ang grupo na “Kuratong Baleleng OCG.” Malaki rin ang role ni Marantan sa pagkahuli kay dating Abra Gov. Vicente Valera, ang itinuturong mastermind sa pag-ambush-slay kay Abra Rep. Luis Bersamin sa Quezon City noong 2008 din. Hehehe! Di ba malalaking kaso ang mga yan, mga kosa? Mismooooo!

Dahil sa pakikibaka sa mga kriminal at terorista, si Marantan ay mayroon nang 52 metal screws, 4 bone plates, isang tuhod na kinakailangang palitan, at ang kaliwa niyang taynga ay bingi. Makikita na palaging hinahawakan niya ang kanyang kaliwang tainga, dahil sinusubukan niyang marinig ang mga tunog. Ang mga tama ng bala na kanyang natamo ay mga bakas ng bawat tagumpay na kanyang napanalunan laban sa mga hindi kanais-nais sa lipunan. Hehehe! ‘Yan ang hindi alam ng karamihang Pinoy dahil ang nakatatak sa kanilang isipan ay ang mga negatibo lang sa buhay ni Marantan. Eh di wow!

Hindi naman natitinag si Marantan, dahil kahit kaliwa’t kanan ang birada sa kanya ng kanyang kritiko, abayyyyy hindi ito madaling takutin o sindakin. Tuloy lang ang laban dahil mayroong “nerves of steel” si Marantan kung ang pakikibaka vs kriminal at terorista ang pag-uusapan. Ehem, ehem! Nakahalata na ba kayo nga kosa? Ambot sa kanding nga may bangs!

Kahit araw-araw pa may banta sa kanyang buhay, si Marantan ay tahimik lang sa trabaho at hangga’t maari ay umiiwas sa anumang eksena. Sa ngayon, siya ang may lead role sa pagbigay hustisya sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov Roel Degamo. Masuwerte ang pamilya Degamo at kay Marantan nakatoka ang responsibilidad na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni governor, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

TERORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with