^

Punto Mo

$50-B, maling naideposit sa bank account ng isang pamilya sa Louisiana

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LAKING gulat ng isang pamilya Baton Rouge, Lousiana nang i-check nila ang kanilang bank account kamakailan at malamang may laman itong $50 bilyon (katumbas ng P2.5 trilyon).

Nalaman na lamang ito ni Darren James nang bigla siyang tawagan  ng kanyang asawa dahil sa bilyun-bilyong halaga na lumitaw sa kanilang bank account.

Hindi makapaniwala si James sa nakita niyang numero sa kanilang bank account. Ayon sa kanya, noon lamang siya nakakakita ng ganoong karaming zeroes sa buhay niya.

Agad naman niyang itinawag ang pangyayari sa banko upang ireport ang maling pagkakadeposit at upang malaman na rin ang dahilan nito.

Matapos ang ilang araw ay na-reverse din ang maling deposit ngunit bago ito ay kumuha muna ng screenshot ang pamilya ni James ang once-in-a-lifetime na pagkakamali ng banko.

vuukle comment

LOUISIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with