^

Punto Mo

EDITORYAL - Matatapos din ang bangungot

Pang-masa
EDITORYAL - Matatapos din ang bangungot

BABALIK din sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino na sinagasaan ng COVID-19. Halos lahat ay nananalangin na matapos na ang pana­nalasa ng coronavirus sa bansa at maging sa buong mundo. Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 9,485 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19. Nasa 623 ang namatay at 1,315 ang nakarekober.

Magandang balita na marami ang gumagaling sa sakit. Isang indikasyon na nalalabanan ang sakit at maaaring sa mga susunod na araw ay parami pa nang parami ang mga makakarekober at unti-unti nang mababawasan ang mga nagka­kasakit.

Lahat nang Pinoy ay umaasang sa pagsapit ng Mayo 15 ay lubusan nang bababa ang mga kaso at maisasailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang maraming lugar kasama ang Metro Manila. Mula Marso 16 ay isinailaim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon dahilan­ para maparalisa ang maraming negosyo at naapek­tuhan ang maraming manggagawa. Kapag ibinaba sa GCQ ang Metro Manila, may senyales na nang pagbabalik sa mga nahintong negosyo at gugulong na muli ang ekonomiya.

Ang Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) ay positibo ang pananaw na sa pagsapit ng Mayo 15 ay ga-graduate na ang Metro Manila sa kategoryang GCQ. Kapag nangyari ito, babalik na sa trabaho ang mga tao at muli nang gaganda ang ekonomiya. Ang mga pangitaing ito ayon sa DILG ay dahil sa maigting at istriktong pagpapatupad ng community quarantine sa loob ng ilang linggo. Optimistic ang DILG na patuloy na bababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 hanggang sa tuluyan nang mawala ang virus.

Lahat ay nagdadasal para sa pagkawala ng coronavirus. Lahat ay naniniwalang paggising nila isang umaga, naglaho na ang virus at tapos na ang problema hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo. Mangyayari ang lahat nang ito sa pagpapatuloy nang mga sinimulan para hindi kumalat ang virus. Ipagpatuloy ang pananatili sa tahanan, sundin ang social distancing, magsuot ng facemask at maghugas parati ng kamay. Sa paraang ito maglalaho ang virus at tapos na ang masamang bangungot.

vuukle comment

BANGUNGOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with