^

Punto Mo

Baka sa alabama, mahigit 10 feet ang mga sungay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG dambuhalang baka sa Alabama ang nakapag­tala ng bagong Guiness World Record dahil sa kanyang napakahabang mga sungay na umabot ng 10 feet at 7 inches.

Nahigitan ng mga sungay ng 7-anyos na Texas Longhorn steer na si “Poncho” ang dating world record, na mas maikli ng isang pulgada.

Nakatira si Poncho sa isang rancho sa Goodwater, Alabama na pag-aari ng pamilya Pope.

Simula noong siya ay anim na buwang gulang pa lamang ay nasa pangangalaga na ng Pope family si Poncho.

Una raw napansin ng pamilya ang potensyal ni Poncho na makapagtala ng bagong world record noong ito’y apat na taong gulang pa lamang.

Sa halip kasi na pataas ay patagilid ang direksyon ng tubo ng mga sungay ni Poncho, na senyales daw na magiging mahahaba ang mga              ito.

Kung ano naman daw ang ikinalaki ng mga sungay ni Poncho ay siya rin naman daw ang ikinaamo nito.

Sa rami raw kasi ng bumibisita sa kanilang rancho ay nasanay na  raw sa pakikisalamuha sa tao si Poncho kaya wala na raw itong pinagkaiba sa ibang hayop na karaniwang inaalagaan sa bahay katulad ng mga aso at pusa.

vuukle comment

SUNGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with