^

Punto Mo

Walang mahigpit na batas, kaya illegal drugs namamayagpag!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pabor at matinding suporta ang ibinigay ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbabalik ng parusang kamatayan para sa large-scale drug traffickers.

Naniniwala ang PDEA na dahil sa kakulangan ng mahigpit na batas o kaparusahan sa mga taong sangkot sa ilegal na droga kaya patuloy itong namamayagpag sa kabila ng pinalakas na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Digong laban dito.

Talagang sa kabila ng matinding mga operasyon, ay makailang ulit pa ring nakakasabat ng mga malakihang ipinapasok ng illegal drugs sa bansa.

Hindi nga ba’t kung sa anu-anong pamamaraan na ito ginagawa ng mga traffickers. At ang talagang nakakaalarma dito, hindi biro ang dami ng mga illegal drugs na nasasabat.

Ibig lang sabihin, talagang malalakas ang loob.

Kasi nga mahina ang mga kaparusahan at kung medyo susuwertihin pa nga nakakalusot pa ang mga ito.

Ipinaliwanag ni PDEA spokesman Derrick Arnold Carreon na isa sa nakikitang dahilan dito ay ang kakulangan sa mahigpit na batas.

Mistulang walang takot ang mga taong sangkot dito dahil ang pinaka-mataas na parusa ay habambuhay na pagkabilanggo.

Eh pano nga kahit yata makulong pa ang mga ito, patuloy pa rin ang kanilang operasyon sa loob at labas ng piitan.

Marami sa mga karatig nating bansa ang nagpapataw ng parusang kamatayan sa mga drug suspects, kaya nga ilap silang magbagsak sa mga ito.

Eh ang Pinas, walang bitay, kaya dito namamayagpag ang kanilang  operasyon at pagpapakalat ng kanilang mga kontrabando.

Isa pa umano sa nagiging problema, ayon pa kay Carreon, ay ang difficulty na ma-secure ang lahat ng mga pantalan laban sa mga drug dealer, pusher. Ang Pinas kasi bilang isang archipelago ay may malaking advantage sa mga drug syndicates sa pagpupuslit ng mga narcotics kaya nga dapat ding mapalakas ang pagbabantay sa mga pantalan ng bansa.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with