^

Punto Mo

Dahil sa langaw, domino world record attempt sa Germany, nabigo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL lamang sa isang langaw ay nabigo ang world record attempt na isinagawa sa Germany kamakailan.

Layon sana ng organizers ng world record attempt na makapagtala ng bagong record para sa pinakamaraming mini-dominoes na natumba ng sunud-sunod ngunit sa kasamaang palad, may langaw na dumapo sa isa sa mga dominoes kaya nagsimula nang di-oras ang sunud-sunod na pagtumba ng mga ito.

Hindi na muna itinuloy ng organizers ang world record attempt dahil kinulang na sila ng oras upang isa-isa muling itayo ang mga natumbang dominoes, na kasinliit lamang ng isang kuko.

Mabuti na lamang at hindi lubusang nasayang ang oras ng mga organizers dahil kahit hindi nila nakamit ang kanilang pangunahing layunin ay nakapagtala naman sila ng apat na iba pang world records, kabilang na ang pinakamahabang sunud-sunod na pagtumba ng mga domino.

Upang makamit ito ay kinailangan nilang gumamit ng 596,229 na dominoes. Sa sobrang haba ng pila ng mga domino ay umabot ng 15 minuto bago natumba ang pinakahuling piraso.

Sa kabila ng pagkabigo, hindi naman susuko ang organizers dahil balak nilang isa-isa muling itayo ang mga domino at sumubok uli sa pagtatala ng bagong world record.

vuukle comment

DOMINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with