^

Punto Mo

Pinakamataas na talaksan ng waffles sa mundo, itinayo sa Denver

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NABASAG ang world record para sa pinakamataas na taksan ng waffles sa Denver.

Matagal nang pangarap ng 23 anyos na si Spencer McCullough na maitayo ang pinakamataas na tala-talaksang waffles sa buong mundo at gamit ang 50 pounds na waffle mix ay natupad niya ito nito lamang nakaraang Sabado.

Nakagawa siya ng isang talaksang waffles na uma­bot sa 67 sentimetro o higit dalawang talampakan ang taas, na sapat na upang mahigitan ang dating world record na 51 sentimetro.

Bukod sa matagal na niyang pangarap na makapagtala ng world record para sa waffles ay ginawa rin ni McCullough ang world record attempt  upang makapag-practice bago niya simulan ang naisip niyang raket.

Plano niya kasing tulungan ang mga negosyo na makapagtala ng sarili nilang world record at pinili niya ang pagtata-laksan ng waffles dahil mabilis lang daw itong gawin.

vuukle comment

WAFFLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with