^

Punto Mo

First Grade Love Story

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

SA paulit-ulit na pagkikiskisan ng kanilang pisngi, pinagmumuntikanan na matuka ni Joe ang lips ni Ela. Pero natauhan si Ela. Baka may teacher na makahuli sa ginagawa nila. Nakakahiya. Tinampal niya ang mukha ni Joe para lumayo sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang nabitin nilang paghahalikan ay natuloy din sa wakas nang minsang naiwan silang dalawa sa classroom dahil sila ang cleaners of the day.

Basta na lang nangyari ang lahat. Nag-uusap lang sila. Tapos nagkatitigan. Nadama na lang nila na magkadikit na ang kanilang mga labi. First time ni Ela na malapatan ng labi ng lalaki pero automatic palang natutuhan ang kissing. Iyon ang first life lesson na natutuhan niya kay Joe. Walang tanungan, walang sagutan dahil sa tibok lang ng puso ay nagkakaintindihan na.

Tumagal ang relasyon ng dalawa hanggang sa makagraduate sa college. Nagpaalam si Joe na susunod lang ito sa kanyang ate na nurse sa Canada pero hindi na bumalik. Siya ang boyfriend na nawala na lang at sukat. Nalaman na lang ni Ela na may asawa na ito. Marriage for convenience ang nangyari. Para mabilis maging Canadian citizen.

Tinamad nang makipagrelasyon si Ela sa mga lalaki. Mga 64 years old na siya nang makita niya sa Facebook si Joe. May 20 mutual friends sila kaya lumabas ang profile nilang dalawa sa kanilang FB account.

Iyon ang naging simula. Nalaman ni Joe na dalaga pa rin si Ela at si Joe naman ay biyudo. Tumagal ang komunikasyon nila ng isang taon. Naging daan upang magkapaliwanagan at magkaunawaan. Kapwa 65 years old na silang dalawa, naisip ni Ela na nakakahiya namang magpaarte-arte pa siya na parang high school virgin. Oo, virgin pa siya pero full of Botox na. Isa pa, sa totoo lang, mahal pa rin niya si Joe kahit ano pa ang nangyari.

Umuwi sa Pilipinas si Joe. Ang love story na nagsimula noong first grade ay  natapos sa pagtatanan at pag-check-in  sa isang hotel sa Baguio. Isang engrandeng wedding ang nangyari bago sila tumulak sa Canada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with