^

Punto Mo

Pizza Delivery Boy

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

KINABUKASAN, pinalakpakan siya ng kanyang boss at mga kasamahan sa restaurant dahil tumawag daw ang kapitbahay ng kostumer niya at sinabi nito ang kabayanihan ni JJ. Dahil sa maagang warning ni JJ, nagtatangka pa lang pumasok ang magnanakaw sa bahay, binugbog na ito ng mga may-ari ng bahay, na black belter sa karate.

Masayang malungkot ang araw na iyon kay JJ. Masaya dahil naging bayani siya sa ibang tao. Malungkot dahil last day niya iyon sa kanyang trabaho. Tatlong buwan na lamang at manganganak na ang misis niya sa kanilang panganay. Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho sa kagaya niyang second year college lang ang natapos.

Bago siya mag-lunch break, may dumating na lalaki sa restaurant. Nagpakilalang siya ang may-ari ng bahay na  nakita ni JJ na pinasok ng magnanakaw.

“Gusto kong magpasalamat sa iyo. Alam mo bang nag-iisa sa bahay ang aking anak na dalaga noong pumasok ang magnanakaw. Nasa party kaming mag-asawa nang tawagan ako ng kostumer mo na may nakitang magnanakaw sa aming bahay. Nagkataong ang party na dinaluhan namin ay malapit lang sa aming bahay kaya wala pang 5 minuto ay nakarating kami sa bahay, kasunod ang mga pulis na tinawagan ng kostumer mo. Maraming salamat sa iyo.”

Inabutan ng lalaki si JJ ng perang nasa sobre pero tumanggi ang huli. Kaya calling card na lang ang iniabot kay JJ sabay sabing : Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako.

Palibhasa ay maraming iniisip, hindi na niya naikuwento sa kanyang misis ang nangyari. Minsan ang calling card ay nalaglag mula sa wallet ni JJ at napulot ito ng kanyang misis.

“Honey, sino ang nagbigay ng calling card na ito?”

“Yun mismong nakapangalan diyan.”

“Magkakilala kayo?”

“Hindi. Pero nang aksidente akong nakagawa  ng kabaya-nihan sa kanyang pamilya, ibinigay niya ang kanyang calling card. Tawagan ko lang siya kapag nangangailangan ako ng tulong.”

Napangiti ang misis ni JJ. Iyon na ang simula ng pagbabago ng kanilang buhay. Ama ng kanyang misis ang lalaking nagbigay ng calling card. Nagtampo ang misis niya, naglayas at nagpakilala sa kanya na ulilang lubos.

Nakipagbati sa pamilya ang kanyang misis. Kagaya ng dapat asahan, dalawang kamay na tinanggap ng pamilya si JJ. Nang papiliin si JJ kung ano ang gusto: puhunan sa negosyo o ipapasok sa kompanya ng biyenan?

Pinili niya na bigyan siya ng puhunan para magtayo ng pizza kiosk na siya mismo ang magpo-formulate. Umasenso ang pang-masang pizza ni JJ na ngayon ay may limang branches. Nakuha niya iyon sa loob ng dalawang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with