^

Punto Mo

Kung sa iyo hinahanap ang lover na nawawala

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

WALA siyang kamalay-malay na siya pala ang idinahilan ng kanyang kapatid na playboy bago layasan nito ang babaeng ka-live in.

“Pupunta ako sa aking kuya. May ibibigay daw itong trabaho sa akin” ang huling paalam nito sa kanyang ka-live in

Dumaan ang ilang  linggo, hindi na nagpakita ang lalaki. Natural hinanap siya ng babae. Inisa-isa  nitong puntahan ang mga kamag-anak upang hanapin ang lalaki. Lahat ng tanungin ay walang alam. Ang huli nitong pinuntahan para pagtanungan ay ang kuya na sinabing magbibigay daw ng trabaho. Sa opisina nito pinuntahan ang kuya.

Sanay na ang kuya na wala silang komyunikasyon ng kapatid. Ganoon talaga ito. Kapag may importante lang itatanong ay saka lang tatawag o kaya bibisita sa kuya.

“Ano namang trabaho ang ibibigay ko sa kanya. Ako pa pala ang idinahilan sa iyo. Matagal na kaming hindi nagtatawagan at nagkikita sa totoo lang.” natatawang sabi ng kuya

Ang nakababatang kapatid na gumamit sa kuya para magpalusot sa ka-live in ay hiwalay sa legal wife. Isa ang babaing iyon sa naka-live in ng matagal din panahon. Buti na lang at “behave” ito nang puntahan ang kuya sa opisina. May panahong para itong naglilihing tigre sa sobrang tapang kapag nagalit.

Bago umalis ay may huling hirit ang babae.

“Ano ang pangalan ng legal wife niya?”

May hinala kasi ito na nagkabalikan daw ang mag-asawa, kaya bigla siyang nilayasan. Pero walang kinumpirma ang kuya.

Sumagot ang kuya. Pero palayaw ang sinabi.

Nangulit uli.

“Anong apelyido?”

 “Hindi ko na matandaan. Matagal na kaming hindi nagkikita ng taong iyon”

Umalis na ang babae nang walang napigang impormasyon tungkol sa “pagkawala” ng ka-live in.

Tama lang ang ginawang hindi pagbibigay ng kumpletong pangalan ng legal wife. Bakit kailangan nitong malaman ang buong pangalan ng babaeng pinaghihinalaan niyang umagaw ng kanyang kaligayahan. Maraming puwedeng gawin perwisyo sa isang buo at kumpletong pangalan ng isang tao.

vuukle comment

PLAYBOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with