^

Punto Mo

Sir Juan (114)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABANGO ang hini­nga ni Mahinhin. Parang sa sanggol na ilang araw pa lang naisisilang. Walang pagbabago sa ba-ngo. Ganito rin ang bango nung una niyang hinalikan.

Pero ang pagkakaiba ngayon, napansin ni Sir Juan, tila lumalaban na sa pakikipaghalikan si Mahinhin. Dati ay wala itong kakibu-kibo habang nakahinang ang kanyang labi pero ngayon, nakikipaglaban na.

Biglang iniangat ni Sir Juan ang labi at nakahi­nga siya. Nakahinga rin si Mahinhin pero naghabol ng hininga. Parang singhap dahil sa ilang segundong paghihinang ng kani-kanilang mga labi.

Pabulong na nagtanong si Sir Juan pagkatapos. “Nakatingin pa ba sa atin si Nectar?’’

“Hindi ko siya masul-yapan. Baka nakakubli na, Sir Juan.’’

“Huwag muna tayong aalis dito, Mahinhin. Lalo pa natin siyang galitin. Palagay ko lalo nang titindi ang galit niya.’’

“Hindi na niya ako titigilan, Sir Juan.’’

“Don’t worry, narito na­man ako. Huwag kang matatakot sa kanya. Kakampi mo ako, Mahinhin.’’

“Naisip ko po, hindi kaya si Nectar din ang nasa likod ng mga taong sumusunod sa akin paglabas ng school.”

“Naisip ko na rin yan, Mahinhin. Baka mayroon siyang binayarang mga tao para sundan  ka paglabas ng unibersidad.’’

“Pero ano ang purpose nila? Bakit ako sinusundan?’’

“Para ka takutin. Ganun lang. Kapag natakot ka e di hindi ka na papasok sa school. Baka dahil sa takot ay magkasakit ka. Basta ganun ang kanilang plano.’’

Napatangu-tango si Mahinhin. May punto si Sir Juan.

Hanggang may makita si Sir Juan sa dakong kinukublihan ni Nectar.

“Opps, nakatingin pa sa atin si Nectar. Hindi pa siya umaalis. Ipagpatuloy uli natin ang paghahalikan. Okey sa’yo Mahinhin.’’

Hindi na sumagot si Mahinhin at sa halip ito na ang unang humalik kay Sir Juan. Nagulat si Sir Juan pero nasisiyahan siya.

At nagtaka lalo siya sapagkat talagang lumalaban na si Mahinhin. Mariin na kung humalik.

Muli nalanghap ni Sir Juan ang hininga ni Mahinhin --- amoy hininga ng kasisilang na sanggol.

Si Nectar naman ay hindi mapakali sa paghahalikan nina Sir Juan at Mahinhin. Naghalo ang galit at inggit niya kay Mahinhin.

Napakalandi mo Mahinhin! Iyon ang gusto niyang isigaw dito. Gusto niyang sugurin ang dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

HUWAG

JUAN

MAHINHIN

NAISIP

PERO

SI NECTAR

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with