^

Punto Mo

Mga sementeryo sa Moscow, magkaka-wifi na

- Arnel Medina - Pang-masa

PAPUNTA na sa digital age ang ilang mga sementeryo sa Moscow dahil magkakaroon na ng wifi signal sa mga ito pagsapit ng 2016.

Magagawa nang mag-surf sa Internet ng mga bumibisita sa Novodevichy, Troyekurovskoye at Vagankovo cemeteries sa unang kalahati ng papalapit na taon. Ayon sa namamahala ng mga sementeryo sa siyudad na si Artem Yekimov ay makakatulong ang paglalagay ng access sa Internet sa pagpapayabong ng turismo sa tatlong sementeryo.

Marami kasing mga sikat na personalidad ang nakalibing sa mga nasabing sementeryo kaya magiging madali sa mga turista na mahanap ang puntod ng mga ito kung puwede nilang i-search sa Internet ang lokasyon ng mga ito habang sila ay nasa sementeryo na mismo. Ilan lamang sa mga sikat na taong nakalibing sa mga sementeryo ng Moscow ang manunulat na si Anton Chekov, ang dating pinuno ng Soviet Union na si Nikita Krushchev, at ang dating presidente ng Russia na si Boris Yeltsin.

Ang isa pang dahilan ng paglalagay ng wifi signal sa mga sementeryo ay para sa mga taong gustong magpahinga ng sandali pagkatapos bumisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Isa kasi ang kawalan ng Internet connection sa mga pangunahing reklamo ng mga bisita ayon sa isang survey na isinagawa upang malaman kung paano mapapabuti ang mga pasilidad ng mga sementeryo sa Moscow.

vuukle comment

ANG

ANTON CHEKOV

ARTEM YEKIMOV

AYON

BORIS YELTSIN

ILAN

ISA

MGA

NIKITA KRUSHCHEV

SEMENTERYO

SOVIET UNION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with