^

Punto Mo

EDITORYAL - Sana’y may Anti-Dynasty Bill

Pang-masa

SA nakaraang pagpa-file ng certificate of candidacy (CoC), nakita na kung sino ang mga magkakapamilya (ama, ina, anak, manugang, apo at pinsan na sasabak sa 2016 elections). Full force sila. Nasa plano ang mga hakbang para muli silang mamayani sa susunod na election.

Kabilang sa mga nag-file ng kandidatura ang pamilya Binay ng Makati. Sila ay tatlong dekada nang namumuno sa Makati. Si Vice President Jejomar Binay ay tatakbong presidente samantalang ang anak niya na si dating Makati Rep. Abigail Binay ay tatakbong mayor kapalit ng kapatid na si dating Mayor Junjun Binay na nahaharap sa graft case. Ang isa pang anak ni VP Binay na si Nancy ay kasalukuyang senador.

Ang Marcos family ay kabilang din sa mamamayani sa pulitika sa 2016. Si Sen. Bongbong Marcos ay kandidatong vice president. Ang kanyang ina at kapatid ay kandidato rin sa pagiging kongresista.

Marami pang pami-pamilya ang nagnanais makapuwesto sa 2016. Kapag hindi puwede ang mister, si Misis ang tatakbo o kaya’y ang anak. Sila-sila pa rin at walang pagbabago. Naging kalakaran na paikut-ikutin na lamang nila ang pamilya sa lungsod o bayan o buong probinsiya.

Sa 1987 Constitution, may probisyon na naka­saad na nagbabawal sa political dynasties subalit kinakailangang may batas para rito. Kailangang makapagpasa ng batas para lubusang malusaw ang political dynasties. Lumipas ang 28 taon mula nang maratipika ang Constitution subalit hanggang ngayon, walang ginagawa ang mga mambabatas para lubusang magkaroon nang katuparan ang Anti-Dynasty Bill. Tila walang sigla. Iisa ang dahilan, ang mga mambabatas mismo ang apektado ng lilikhaing batas sapagkat sila mismo ay kabilang sa political dynasties.

Hindi na maganda ang nangyayaring ito sa pulitika ng bansa na ang mga naghahari ay pami-pamilya. Wasakin na ang tradisyong magkakamag-anak ang nakaupo at nagiging gahaman na sa puwesto.

Noong una ay masigla si President Aquino sa pagsasabing susuporta siya sa Anti-Dynasty Bill. Sa kanyang SONA ay nagpasaring pa siya sa mga pami-pamilyang naghahari sa lungsod. Dapat daw ay maiba naman. Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin at wala na siyang masabi ukol dito. Ito sanang Anti-Dynasty Bill ang nararapat sa tuwid na daan.

vuukle comment

ABIGAIL BINAY

ANG

ANG MARCOS

ANTI-DYNASTY BILL

BINAY

BONGBONG MARCOS

MAKATI

MAKATI REP

MAYOR JUNJUN BINAY

MGA

PRESIDENT AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with