^

Punto Mo

Mga palpak na paraan para matakasan ang kasalanan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Kinagat ang hinlalaki – Hinuli ng mga pulis si Kenzo Roberts dahil sa ninakaw na 2015 Mercedes Benz. Natagpuan din sa kotse ang mga pekeng ID, ninakaw na credit cards at isang baril.

Isinakay sa police car si Kenzo. Habang nasa hulihang upuan ng police car, pinagkakakagat niya ang kanyang mga hinlalaki hanggang sa magdugo ang mga iyon. Pero napigilan si Kenzo na ma-damage pa ang mga hinlalaki.

Nang tanungin kung bakit niya ginawa iyon, sinabi niya na iyon ang tamang paraan para hindi siya ma-fingerprinted.

Pero nawalan ng silbi ang paraan dahil dati na siyang na-fingerprinted at may ID pa sa police stations dahil may dati na siyang may kaso.

* * *

Pininturahan ang mukha – Wanted si Jose Espinoza sa pagnanakaw ng sasakyan. Nang dumating ang mga pulis sa kanyang bahay para arestuhin, tumakas siya. Pero makaraan lamang ang isang oras, naaresto rin siya.

Hindi siya nakapagtago kahit na pininturahan niya ng itim ang kanyang mukha at katawan. Paano’y tumayo siya sa isang puting pader at agad siyang nakita ng mga pulis. Sabi ng mga pulis, halatang-halata ang kanyang pagtatago.

* * *

Permanent marker sa mukha – Nagtangkang magnakaw sa isang bahay sina Matthew Allen McNelly at Joey Lee Miller. Uminom muna sila ng beer bago pinlano ang pagnanakaw.

Naisipan nilang guhitan ng permanent marker ang kanilang mukha na animo’y masks para hindi sila makilala. Ginawa nila iyon sa loob ng kanilang sasakyan.

Subalit isang police car ang huminto sa tapat ng kanilang sasakyan at nakita ang kanilang ginagawa at inaresto sila. Kinasuhan sila ng attempted burglary and successful intoxication.

vuukle comment

ANG

GINAWA

JOEY LEE MILLER

JOSE ESPINOZA

KENZO

KENZO ROBERTS

MATTHEW ALLEN

MERCEDES BENZ

MGA

NANG

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with