^

Punto Mo

Babae sa New York, 2 taon nang walang nililikhang basura

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Lauren Singer ng New York ay naniniwalang posibleng mamuhay na hindi lumilikha ng basura. Nasasabi niya ito dahil siya mismo ay nagawang mamuhay ng normal sa loob ng dalawang taon ng hindi man lang nagtatapon ng kahit anong basura.

Nag-aral si Lauren ng environmental science sa New York University at doon niya sinimulan ang kanyang layunin na maging ‘zero waste’ ang kanyang pamumuhay. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga sarili niyang produkto upang masigurado na wala siyang itatapon pagkatapos. Kabilang sa mga gamit sa pang-araw araw na sarili niyang ginagawa ay ang kanyang toothpaste, deodorant, at sabong panlaba.

Ayon sa kanya, sinimulan niya ang kanyang kakaibang lifestyle nang mapansin ang kanyang mga kaklase na gumagamit ng sangkatutak na plastic na mga kagamitan sa kabila ng kanilang pinag-aaralang kurso. Napansin din niya na wala siyang pinagkaiba sa kanila kaya minabuti niyang baguhin ang kanyang pamumuhay.

Sinimulan niya ang pagbabago sa pamamagitan ng pagdadala ng sarili niyang lagayan tuwing pumupunta siya sa supermarket. Hindi na rin siya bumibili ng bagong damit at sa halip ay sa mga tindahang nagbebenta ng mga second hand na damit o ukay-ukay siya namimili upang makabawas sa mga damit na itinatapon na lamang taun-taon. Kahit ang mga maliliit na bagay sa kanyang pamumuhay ay hindi rin niya pinalampas kaya tinigilan na rin niya ang paggamit ng straw sa kanyang mga inumin.

Inaamin niya na hindi naging madali ang nakaraang dalawang taon dahil ayon sa kanya ay mahirap mamuhay ng hindi nagkakalat o hindi nagtatapon ng basura sa isang lipunan na walang pakialam sa dami ng nililikha nitong basura taun-taon. Gayunpaman ay hindi siya titigil sa kanyang layunin na mamuhay ng walang nililikhang basura at sa pagkumbinse sa ibang tao na subukang gumaya sa kanyang piniling pamumuhay.

vuukle comment

AYON

GAYUNPAMAN

GINAGAWA

KANYANG

LAUREN SINGER

NEW YORK

NEW YORK UNIVERSITY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with