^

Punto Mo

EDITORYAL - Barangay, walang pakialam sa krimen

Pang-masa

SUNUD-SUNOD ang mga nangyayaring krimen sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Noong nakaraang linggo, sa Bgy. Paligsahan, Quezon City, pinasok ang bahay at pinatay ang 75-anyos na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Pagnanakaw ang dahilan. Wala pang nadadakip na suspek ang mga pulis. Kamakalawa, sa Bgy. Laging Handa, Quezon City. nakunan ng CCTV ang sapilitang pag-agaw ng isang lalaki sa cell phone ng isang babaing estudyante. Nakipag-agawan ang snatcher sa estudyante. Nang maagaw, mabilis na tumakbo ang snatcher sa naghihintay na motorsiklo. Hindi pa nahuhuli ng mga pulis ang magnanakaw. Noong Huwebes, sa isang barangay sa Mandaluyong, isang babae ang pinatay makaraang pasukin sa kanyang bahay dakong alas kuwatro ng madaling araw. Isang lalaki na armado ng patalim ang nakitang pumasok sa bahay at pinagsasaksak ang babae saka tinangay ang pera nito na nagkakahalaga ng P5,000. Hindi pa rin nahuhuli ang suspek.

Lahat nang mga ito ay nangyari sa barangay. At nakapagtataka na sa lahat nang mga nangyayaring krimen sa barangay, ni hindi nasisisi ang barangay chairman, barangay council at maski ang mga barangay tanod. Ang laging sinisisi ay ang mga pulis. Nasaan daw ang mga pulis? Bakit daw walang nagpapatrulyang mga pulis? Wala raw police visibility? Kung anu-ano pang mga paninisi ang sinasabi sa mga pulis.

Pero ano ba ang ginagawa ng barangay? Di ba’t may responsibilidad ang barangay sa nangyayari sa kanyang nasasakupan? Bakit walang nagrorondang barangay tanod sa lugar kung saan pinasok ang bahay ng ina ni Cherry Pie? Bakit walang tanod nang oras na inagawan ng cell phone ang estudyante? Nasaan sila?

Malaki umano ang natatanggap na Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga barangay. Saan ginagastos ang IRA na ito? Bakit walang pakialam ang barangay sa nangyayaring krimen sa kanilang nasasakupan?

vuukle comment

BAKIT

BARANGAY

BGY

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

LAGING HANDA

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with