^

Punto Mo

Manong Wen (51)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG papalayo si Princess ay nakangisi namang tinatanaw siya ni Chester. Mayroon itong ini­isip at binabalak sa dalaga. Babagsak din sa kanya si Princess! Hindi magtatagal at mapapasakanya si Princess Bibingka!

Mabilis namang nag­lakad si Princess pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kutsilyong panghiwa ng bibingka. Kapag nagpumilit ang hayop na si Chester, itatarak niya ang kutsilyo sa katawan nito. Tama na ang isang beses na panloloko sa kanya ng hayop.

Nang dumating siya sa bahay ay naroon na si Precious.

“Mabuti at narito ka na, Precious.”

“Bakit Ate?”

“Para may kasama ako.”

“Hindi ka papasok? Di ba, ala-una ang klase mo?”

“Hindi muna ako papasok ngayon. Absent muna ako.’’

“Bakit? May sakit ka?”

“Nasira ang araw ko. Nawalan ako ng gana.”

“Bakit?”

“Dahil sa hayop na si Chester.’’

“Chester? Yung dati mong nobyo?”

“Oo.”

“Di ba nasa Maynila yun at doon na nag-aaral.’’

“Ewan ko kung bakit narito ang hayup.”

“Anong sabi sa’yo?”

“Mag-usap daw kami. Mayroon daw siyang sa­sabihin.’’

“Anong sabi mo?”

“Hindi ako pumayag. Sabi ko, wala akong panahon sa kanya. Pero nagpu­pumilit, pakinggan ko raw siya. May sasa­bihin daw siya.’’

“Anong nangyari?”

“Nagpu­pumilit talaga! Ang ginawa ko, dinukot ko sa bilao­ ang kutsilyong pang­hiwa ng bibingka. Sabi ko, kapag nagpumilit siya, sasaksakin ko siya!”

“Nagpumilit pa?”

“Hindi nakakilos! Natakot din!”

“Tapos?”

“Umalis na ako.’’

“Hindi kaya pumunta rito yun, Ate?”

“Huwag siyang magkakamali at talagang may mangyayari sa kanya.’’

“Ano kaya ang gustong mangyari ng Chester na iyon?”

“Makikipagbalikan si­guro.’’

“Kapal naman ng mukha niya!”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANONG

BAKIT

BAKIT ATE

MAYROON

PRINCESS BIBINGKA

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with