^

Punto Mo

Video karera

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG tawag pala sa video karera machines ng mga kosa ay “one armed bandit” dahil walang panalo rito. Maghapon mang maglaro ng VK ni singkong duling ay walang maiuwi dahil simot ang lahat nang pera. Kaya paldo-paldo ang kinikita ng mga VK operators at kaya nilang bilhin ang mga pulitiko, taong gobyerno at pulisya na naghahangad na ipatigil sila. Kaya sa ngayon, pakuya-kuyakoy na lang ang mga kilalang VK operators tulad ng mag-asawang Gina at Romy Gutierrez, Buboy Go, SPO1 Roger Esteban alyas Sacho, alyas Adyong at iba pa. Kasi nga walang puknat ang coins out nila sa kani-kanilang makina at inutil ang PNP, LGUs at mga law enforcement agencies tulad ng NBI at GAB na supilin ang ilegal nila. Kailan kaya magigising ang gobyerno ni President Aquino sa kasamaang dulot ng VK? Hehehe! Sana sa lalong madaling panahon para bumaba ang kriminalidad sa bansa!

Sinabi ng mga kosa ko na ang capital lang ng VK operators ay P5,000 sa bawat mother board ng VK. Hindi aandar ang makina kapag walang mother board. Makakamenos lang ang VK operators kung ang mga mother board ng makina ay mabibili nila sa mga pulis na nakakumpiska sa mga raid na isinagawa nila. At sa halagang P5,000, aba mahigit sampung doble ang maiakyat ng mother board sa bulsa ng VK operators, lalo na kung mailatag ito sa puwesto kung saan marami ang adik. Ang estimate ng mga kosa ko, aabot sa P35,000 kada linggo ang ma-coins out sa naturang VK na maraming adik at kabataan na nalulong sa naturang sugal. Parang hinihigop kasi ng VK ang mga pera sa bulsa ng kanilang kliyente kaya ang tawag ay “one armed bandit.” Tiyak ‘yun! Hehehe! Get’s n’yo mga kosa?

Kung sabagay, may mga adik na matiyagang nililista ang mga lumabas na kabayo sa bawat karera sa makina. Kapag nakuha na nila ang kumbinasyon, siyempre tatayaan nila ito at mananalo sila. Subalit kapag dumating ang taga-coins out at wala siyang makuhang mamiso, alam na niya na pinagtatamaan sila. At ang gagawin ng VK operator, papalitan ang mother board at presto…maiiba ang winning combination ng makina at ang kawawang adik ay balik-lista na naman. Kaya, wala talagang panalo ang mga adik at kabataan at nahigop ang lahat ng barya nila. Tingnan n’yo naman mga kosa at namulaklak sa gintong alahas sina Buboy, Sacho, Adyong, at ang Gutierrez couple dahil walang paltos na tulo ng gripo nila. Si Adyong ay may ari-arian nang nabili sa Batangas at Jaen, Nueva Ecija, si Buboy sa San Miguel Bulacan at sina Sacho at Gutierrez couple ay tiyak hindi din pahuhuli. Tumpak!

Ayon sa mga kosa ko ang mga aktibo at retiradong pulis na nakikinabang sa VK operations sa Maynila ay sina PO3 Ogie Dalisay, Cris Ocampo, Raffy Melencio, Capt. Zaldy Gascon, Boy Rodriguez, na chairman ng Gagalangin sa Tondo, Insp. Anthony Sy, Arthur Paras, Pornillos brothers, Supt. Tuliao, Benny Cruz, at Bong Cruz. Hehehe! Alam kaya ni P-Noy ang kasamaang dulot ng video karera? Abangan!

vuukle comment

ADYONG

ANTHONY SY

ARTHUR PARAS

BENNY CRUZ

HEHEHE

KAYA

NILA

SACHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with