^

Punto Mo

Batang babae sa Yemen, lumuluha ng bato

- Arnel Medina - Pang-masa

KARANIWAN na ang mga balita tungkol sa mga taong lumuluha ng dugo kaya naman talagang kakaiba ang isang batang babae sa Yemen dahil sa napabalitang pagluha nito ng bato.

Ang batang lumuluha ng bato ay si Saadiya Saleh, 12. Ilang beses na siyang nakuhanan ng video na may pumapatak na maliliit na butil ng bato mula sa kanyang mga mata.

Parang mga pangkaraniwang luha rin ang mga batong tumutulo mula sa mata ni Saadiya na mamumuo muna sa paligid ng kanyang mga mata at saka papatak. Sa dami ng iniluluhang bato ng bata ay napupuno ng mga ito ang isang maliit na kahon sa loob lamang ng ilang oras.

Nagtataka ang mga doktor na sumuri kay Saadiya dahil wala naman silang sakit na na-diagnose sa bata na maaring dahilan ng pamumuo ng mga maliliit na butil ng bato sa kanyang mga mata.

Nangangamba naman ang mga kababayan ni Saadiya sa kakaibang kondisyon nito. Marami  sa Yemen ang naniniwala sa mga pamahiin at para sa kanila, ang pagluha ng bato ni Saadiya ay maaring isang masamang pangitain para sa kanilang bayan.

vuukle comment

BATO

ILANG

ISANG

MARAMI

MATA

NAGTATAKA

NANGANGAMBA

SAADIYA

SAADIYA SALEH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with