^

Punto Mo

Uok (202)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“T AGUMPAY ang natuklasan mo, Drew! Mabisang pesticide ang kinuha nating lawa-lawa sa mga Uokcoco. Ilang ulit na tinesting sa peste ng niyog at namatay ang peste!” sabi ni Gab.

“Tama ba yung ginawa ko na tinunaw ko sa tubig ang mga lawa-lawa ng Uokcoco?”

“Oo. Yung tinimpla mo ang ipinang-spray sa insekto at mga white uok at epektibo.’’

“Ano raw ang sunod na hakbang para makapag-produce tayo nang ma­rami.’’

“Ire-register sa name mo ang product. Tapos magkakaroon ka na ng lisensiya para sa production ng Uokcoco pesticide.’’

“Kung ganoon, puwede na pala nating sabihin kay Tito Iluminado na ipunin na ang lahat ng lawa-lawa ng mga Uokcoco. Kapag nakaipon na, saka nating idi-disolved sa tubig.’’

“Sabi ng taga-DOST maaari raw lagyan ng kaunting scent ang tubig na pagtutunawan para ang mag-iispray ay hindi naman masulasok.’’

“Naisip ko na nga rin yan. Balak kong ang ilagay na scent ay ilang-ilang o sampaguita.’’

“Okey yun, Drew. Pero para sa akin, mas maganda kung ilang-ilang. Mas mabango, mas maganda.’’

“Ang kailangan natin ngayon ay mga plastic bottle na paglalagyan ng Uokcoco pesticide. Kailangan safe ang lalagyan.’’

“May kakilala akong designer. Maaari tayong magpagawa sa kanya.’’

“Sige. Kailangang ma­isagawa na natin ito dahil kumakalat na nang kuma­kalat ang peste ng niyog. Huli kong balita, hindi lamang mga white uok ang sumisira sa mga niyog kundi pati na rin ang mga langgam na may pakpak na ang pinupuntirya ay ang puso ng niyog.’’

“Ito ang sagot sa peste ng niyog. Makaka­tulong na tayo sa bansa. Maraming mahihirap ang makikinabang.’’

MAKALIPAS ang isang buwan, nakapag-prod­yus na sina Drew at Gab ng mga naka-botel­yang Uokcoco pesticide.

“Mas madaling gamitin at epektibo!”

“Palagay ko, mali­lipol na ang mga peste ng niyog­.’’

Tuwang-tuwa ang da­lawa nang mapabalita ang kanilang produkto at ma­rami na agad ang nag-order para gamitin sa kanilang coconut plantation.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

BALAK

HULI

ILANG

LAWA

SHY

TITO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with