^

Punto Mo

Lalaki sa China, kayang hanginan ang mga gulong gamit ang kanyang hininga

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa China ang sinasabing may kakaibang pares ng mga baga dahil sa kakayahan niyang pag-ihip sa mga gulong ng truck gamit ang hininga mula sa kanyang ilong.

Siya ay si Nie Yongbing ng Chengdu sa timog-kanluran ng China. Ipinakita niya sa mga tao roon ang natatangi niyang abilidad nang hanginan ang apat na gulong ng truck sa pamamagitan ng pag-ihip mula sa kanyang ilong.

Bawat isang gulong ay nilagyan niya ng hangin sa pamamagitan ng isang tubo na nakadikit sa isa sa mga butas ng kanyang ilong. Upang mas lalong mapabilib ang mga nanonood, may inutusan siyang dalawang tao na tumapak sa gulong na kanyang hinahanginan para maipakita kung gaano kalakas ang kanyang hininga.

Natuklasan ni Nie ang kanyang kakayahan nang minsang payuhan siya ng doktor na mag-ihip ng mga lobo upang mapabuti ang kanyang sinus. Sinunod ni Nie ang payo sa kanya ngunit nang lumaon ay nagsawa siya sa mga lobo kaya naghanap siya ng ibang bagay na puwedeng mahipan. Sinubukan niyang hipan ang mga gulong.

May mga hindi naman bilib sa kakayahan ni Nie katulad ng isang grupo ng mga sirkero sa China. Ayon sa kanila, hindi ito kakaiba dahil kakayanin ng kahit sino ang ginagawa ni Nie basta’t may sapat na pagsasanay.

Umaasa naman si Nie na balang araw ay makakasali siya sa isang talent show sa telebisyon na magpapakita ng kanyang kakaibang galing.

vuukle comment

AYON

BAWAT

CHENGDU

IPINAKITA

KANYANG

NATUKLASAN

NIE

NIE YONGBING

SINUBUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with