^

Punto Mo

10 manloloko at sinungaling

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG mga sumusunod ang 10 manloloko at sinungaling na binanggit sa Matandang Tipan ng Bibliya:

1. Satanas (Genesis 3). Ang hari ng manloloko at sinungaling.

2. Cain (Genesis 4). Pinatay niya ang kapatid na si Abel dahil nainggit siya dito. Kunwa’y niyayang mamamasyal sila pero pagdating sa bukid ay pinatay niya si Abel. Nang itanong ng Diyos kay Cain kung nasaan si Abel, nagsinungaling at pinilosopo pa nito ang Diyos: “Hindi ko alam. Bakit ako ba ang tagapag-alaga ng aking kapatid?”

 3. Abraham (Genesis 20). Natakot si Abraham na baka patayin siya ni Haring Abimelech kapag nagkagusto ito sa kanyang asawang si Sarah. Upang iligtas ang sarili, nagsinungaling siya at sinabi sa hari na magkapatid sila ni Sarah. Pero nabisto ng hari ang katotohanan nang magpakita ang Diyos sa panaginip at tinakot ang hari na mamamatay ito dahil inagaw niya ang asawa ni Abraham.

4. Jacob (Genesis 25-27). Si Esau ay panganay niyang kapatid na nakatakdang pamanahan ng kanilang amang bulag. Palibhasa’y bulag at matanda na ang amang si Isaac, nagpanggap si Jacob sa kanyang ama na siya si Esau kaya’t siya ang nabendis­yunan ng ama na hudyat na siya ang makakatanggap ng mana.

5. Rebekah (Genesis 25-27) Siya ang ina ni Jacob na master­mind sa pagpapanggap ni Jacob bilang Esau. Lihim niyang pinakinggan ang pag-uusap ng kanyang asawang si Isaac at Esau. Hiniling ni Isaac kay Esau na ipanghuli muna siya ng usa at pagkatapos ay ito ang lutuin para sa kanya bago niya igawad ang bendisyon sa anak. Habang wala si Esau, dali-daling nagluto ng kambing si Rebekah, tinawag si Jacob at inutusang pakainin ang ama at magpanggap na Esau. Nagtagumpay ang mag-ina na linlangin si Isaac. (Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BIBLIYA

DIYOS

ESAU

HABANG

HARING ABIMELECH

MATANDANG TIPAN

SI ESAU

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with