^

Punto Mo

Misis, sa Mausoleum na ng namatay na asawa tumira para raw lagi niya itong kasama

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SOBRANG napamahal kay Adriana Villareal ng Buenos Aires Argentina ang kanyang mister na si Sergio Yede.  Kaya nang mamatay ito at ilibing, sa mausoleum nito siya tumira. Gusto niya ay laging kasama ang namayapang asawa. Nagtiis si Adriana na tumira sa mausoleum kahit maliit ang espasyo nito. Ang mausoleum ay nasa San Lazaro cemetery.

Marami ang hindi makapaniwala nang mapabalita sa mga pahayagan noong 2012 ang pagtira ni Adriana sa mausoleum. Inamin ni Adriana na gusto niyang makasama sa tuwina ang asawang si Sergio. Nag-suicide si Sergio noong 2010.

Sabi ng isang police officer na nag-imbestiga sa nangyayari sa San Lazaro cemetery, nagulat siya nang magtungo sa mausoleum. Kinatok niya ang pinto at sumungaw doon si Adriana na naka-pajama at halatang bagong gising.

Sinabi ng police officer kay Adriana na nag-iimbestiga siya sapagkat mayroon daw report na may nakatira sa sementeryo at malakas magpatugtog ng radyo. Inamin naman ni Adriana na siya nga iyon.

Nang inspeksiyunin ng police officer ang mausoleum, nakita niya na ni-re-novate ito. Mayroong kama, computer na may internet connection at maliit na kalan. Ayon kay Adriana, ang perang naipon ng kanyang asawang si Sergio na sana’y ipagpapagawa nila ng bahay ang ginamit niya para sa renovation ng mausoleum.

--www.oddee.com--

 

vuukle comment

ADRIANA

ADRIANA VILLAREAL

AYON

BUENOS AIRES ARGENTINA

INAMIN

KAYA

MAUSOLEUM

SAN LAZARO

SERGIO

SERGIO YEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with