^

Punto Mo

Lalaki, inilibing habang nakasakay sa kanyang paboritong motorsiklo

- Arnel Medina - Pang-masa

NATUPAD ang laging sinasabi ni Billy Standley ng Ohio, na kapag namatay siya, gusto niya ay nakasakay sa paborito niyang motorsiklo at ilibing siya kasama ito. Matagal na niya itong sinabi sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nang dumating ang kamatayan ni Standley, ginawa ng kanyang pa­milya ang kahilingan. Namatay siya sa gulang na 82 dahil sa lung cancer.

Limang em­balmers­ ang gumawa sa mga bilin ni Standley. Isinakay siya sa kanyang 1967 Harley-Davidson motorcycle. Nilagyan ng  metal back brace at straps para maging matibay ang pagkakaupo ni Standley. Sinuutan siya ng itim na jacket at puting helmet.

Ang kabaong ay may sukat na 9-by-11 na gawa sa Plexiglass at kahoy na may steel rods sa ilalim. Dahil sa malaking size ng kabaong, tatlong burial plots ang binili para magkasya si Standley at kanyang motorsiklo. Katabi ng puntod ni Standley ay ang puntod ng asawang si  Lorna.

vuukle comment

BILLY STANDLEY

DAHIL

HARLEY-DAVIDSON

ISINAKAY

KATABI

LIMANG

LORNA

MATAGAL

STANDLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with