^

Punto Mo

Buhay na gagamba nakuha sa taynga ng babae sa China!

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGTUNGO sa Changsha Central Hospital ang isang babae para ikunsulta ang grabeng pangangati ng kanyang kaliwang taynga. Umano’y limang araw nang nangangati ang kanyang taynga at hindi na niya kayang tiisin ang pangangati.

Agad tiningnan ng doktor ang kaliwang taynga ng babae. At ganoon na lamang ang panggigilalas ng doktor nang masilip ang nasa ear canal ng babae --- isang buhay na gagamba!

Gumamit ng saline solution ang doktor para mapalabas ang gagamba. Iningatan ng doktor na gumapang pa ang gagamba sa kaloob-looban ng taynga o kaya ay baka kagatin ang babae.

Naging matagumpay ang procedure at napalabas ang gagamba. Napaiyak ang babae sa labis na katuwaan at kaginhawaan. Ganun na lamang ang pasasalamat niya kay Dr. Liu Sheng

Ayon sa babae, maaaring gumapang ang gagamba sa kanyang taynga habang siya ay natutulog. Ginagawa raw ang kanilang bahay kaya sa sahig siya natutulog.

 â€“www.oddee.com--

vuukle comment

AYON

BABAE

CHANGSHA CENTRAL HOSPITAL

DR. LIU SHENG

GANUN

GINAGAWA

GUMAMIT

ININGATAN

NAPAIYAK

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with