^

Punto Mo

Pork barrel scam, marami pa madadamay

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Talagang malayo pa  ang tatakbuhin ng kontrobersiya ng pork barrel scam.

Palawak nang palawak ang mga naaapektuhan sa nabulgar na P10 bilyong anomalya sa pork barrel.

Maging ang mga ahensya na nag-iimbestiga rito, ayun nadamay na rin sa kontrobersiya at nauuwi na sa mga resignation.

Nauna nang nagbitiw sa puwesto si NBI director Nonnatus Rojas  at kahapon  naghain na rin nang pagbibitiw sa posisyon si NBI deputy director  Edmundo Arugay.

Ang mga pagbibitiw na ito ay naganap matapos na magpasaring si Pangulong Aquino na may  dalawang opisyal ng NBI na nag-leak ng impormasyon sa utak ng pork barrel na si Janet Lim Napoles kaugnay sa lumabas ditong warrant of arrest.

Sa panig ni Rojas, sinabi nitong hindi niya nais manatili sa pwesto kung wala nang tiwala sa ahensyang kanyang pinamumunuan ang Pangulo.

Command responsibility kaya ito naghain ng kanyang irrevocable resignation.

Pinagpaliwanagan naman umano ni DOJ Secretary de Lima na nagsabing hindi si Rojas ang tinutukoy ng Pangulo, at inaawat pa ito sa pagbibitiw, pero may delicadeza ang ‘mama’ kaya naghain pa rin ng kanyang resignation na hindi pa naman inaaksiyunan ni PNoy.

Ang matindi pa rito, nagbitiw naman ng salita si de Lima at naghamon na dapat daw ay ang mga deputy directors ang siyang maghain ng kanilang resignation.

Siyempre nasaktan ang mga deputies, kaya ayun nagsimula na rin na maghain sila ng resig-nation pero yung iba ay hindi pa.

Nagulo ang institusyon, ito ay sa kabila na sa kanila nakaatas ang imbestigasyon kay Napoles kaugnay sa pork barrel scam. Nasa kanilang pangangalaga ang mga whistle blower  at ang sangkaterbang testigo laban kay Napoles.

Ayon sa ilang insider sa bureau, nagkakaroon ngayon ng demoralisyon sa loob dahil sa mga ganitong pangyayari.

Mukhang hindi ito magi-ging maganda, lalu pa nga’t nasa kainitan ng kontrobersiya ang pagsisiyasat kay Napoles at sa mga taong kasabwat nito sa paglustay sa bilyun-bilyong pera ng taumbayan.

Ngayon si Secretary de Lima mismo ang ina-akusahan ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Napoles na siya umanong nag-leak sa media sa inilabas na warrant of arrest kay Napoles kaugnay sa kasong serious illegal detention.

Pinabulaanan naman ito ng DOJ secretary.

O hindi ba, sanga-sanga na ang mga pangyayari, mula sa mga mambabatas, pati mga tanggapan ng pamahalaan naaapektuhan na rin sa kontro-bersiya.

At ito ang nakakatakot, makaaasa pa kaya ang taum-bayan na lumabas ang kato-tohanan at lahat ng dawit ay malitis at maparusahan?

Ewan lang natin!

vuukle comment

EDMUNDO ARUGAY

JANET LIM NAPOLES

LORNA KAPUNAN

NAPOLES

NONNATUS ROJAS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

ROJAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with