^

Punto Mo

Love story sa burol

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAKABUROL ang mommy ni Mia sa Room 2C ng isang funeral home. Habang busy ang kanyang ate sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay ay umupo siya malapit sa may entrance para ipahinga ang katawan at damdamin. Ilang araw na siyang nag-iiyak at mahapdi na ang kanyang mga mata. Maya-maya lang ay uumpisahan na ang eulogy.

Pinapanood niya ang kanyang ate na tumabi sa kanyang mister. Umiiyak din ang kanyang ate. Nakita niya nang pahirin ng kanyang bayaw ang luha ng kanyang ate. Buti pa ang kanyang ate! Dalawa lang silang magkapatid. Simula ng mag-asawa ang kanyang ate, dalawa na lang sila ng kanyang mommy na naninirahan sa kanilang bahay. Ngayong wala na ang kanyang mommy, sino na ang makakasama niya sa buhay? Lalong napaiyak si Mia sa alalahaning iyon.

Nag-umpisa na ang eulogy nang may dumating na lalaki at doon umupo sa kanyang tabi. Ngumiti ito sa kanya. Ngumiti rin si Mia. Marahil ay nakakaapat nang speaker sa eulogy nang magtanong sa kanya ang lalaki.

“Bakit tinatawag nilang Stella si Auntie Susan?”

“Nagpalit ba ng pangalan si Auntie Susan?”

Sa kauna-unahang pagkakataon, simula nang iburol ang kanyang mommy, noong oras na iyon lang siya napahagikhik. “Mister, ang nakaburol ay mommy ko, Stella Guadalupe. Siguro ay nagkamali ka ng pinasok.”

Napahawak sa ulo ang lalaki. “Room 2B ba ito?”

Hindi pa rin natatanggal ang pagkakangiti ni Mia. “Room 2C ito. Sa katapat na room ang 2B.”

Titig na titig si Mia sa mukha ng lalaki. Ka-look alike ni Jake Cuenca. Pagkatapos ng eulogy, binulungan niya ang ina sa kabaong. “Mom, may bago akong crush. Siguro ipinadala mo siya!” Bistado ng kanyang Mommy na isa si Jake Cuenca sa mga artistang crush niya. Isang araw bago ang libing, muling nagpakita ang lalaki kay Mia. Jessie pala ang pangalan ng lalaki. Nagkuwentuhan sila at nagpalitan ng cell phone numbers. Iyon ang simula. Sa December 2013 ay ikakasal na sila, two years pagkatapos maligaw ni Jessie sa burol ni Mommy Stella. Sa tuwing may magtatanong kung paano sila nagkakilala, ang lagi nilang isinasagot ay “Pinagkilala kami ng mga kaluluwa nina Auntie Susan at Mommy Stella.”

vuukle comment

AUNTIE SUSAN

JAKE CUENCA

JESSIE

KANYANG

MOMMY

MOMMY STELLA

NGUMITI

SA DECEMBER

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with