^

Punto Mo

Lampong (291)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INIIWAS muli ni Tanggol ang mukha nang sinisipat ito ni Jinky. Mukhang nagdududa na ito. Hindi kaya nahahalata na ang boses niya? Masyado kasing nadadala siya ng emosyon lalo na nang sabihin niya kanina na mayroon pang lalaking magkakagusto at magmamahal dito. Dapat maghinay-hinay siya sa pagsasalita at huwag magpapadala sa bugso ng damdamin. Hindi pa panahon para lumantad. Kapag tapos na ang mga problema at plantsado na ang lahat saka siya magpapakilala kay Jinky. Kailangang maresolba muna ang mga nagpapagulo kay Jinky. Marami pa rin siyang dapat ipakita kay Jinky na magpapatibay sa nararamdaman niyang pag-ibig dito. Gusto niyang mapatunayan ni Jinky na siya na nga ang lalaking tunay na magma­mahal dito.

“Mam Jinky dun muna ako sa labas, inspect ko muna ang pinto at gate natin. Siguruhin ko lang na walang ibang tao na nakakapasok. Mahirap na pong malusutan tayo.’’

“Sige, Tanggol. Salamat sa pagbibigay mo ng lakas ng loob sa akin. Lalo lamang akong tumibay.’’

“Salamat din po sa pagti­tiwala.’’

“Siyanga pala Tanggol, mamayang alas-otso ay pupunta ako sa bayan para mamalengke. Wala na tayong supplies. Maaari mo ba akong samahan? Marami tayong bibilhin. Balak kong dagdagan ang ulam para sa mga worker natin. Kasi isang ulam lang ang naisisilbi, e palagay ko dapat dalawang ulam na ang i-provide ko. Kawawa naman sila dahil pagod sa pagta­trabaho…”

“Opo, sige po Mam. Sa­samahan po kita. Hindi po kita hihiwalayan ng tingin.’’

“Salamat Tanggol.’’

“Hihiramin ko po muna ang traysikel ni Mulong para may magamit tayo.’’

“Sige, Tanggol.’’

“Sa labas na po ako maghihintay, Mam Jinky…’’

Bago mag-alas-otso ay pa­alis na sina Tanggol. Ang traysikel ni Mulong ang ginamit niya.

Nakaangkas si Jinky sa likod ni Tanggol. Nakahawak siya sa baywang nito. Matigas na matigas ang tiyan ni Tanggol. Halatang mara­ming “pandesal” sa tiyan si Tanggol. Alagang-alaga ni Tanggol ang katawan sa exercise. Nasamyo rin niya ang shampoo na ginamit ni Tanggol. Lalaking-lalaki ang amoy ni Tanggol.

“Marunong ka rin palang mag-motor, Tanggol?”

“Opo Mam Jinky. Eroplano lang po ang di-ko alam i-drive.’’

Napahagikhik si Jinky. Humigpit ang hawak sa baywang ni Tanggol. Nakapa niya ang flat at matigas na kalamnan ni Tanggol.

“Secure na secure ako kapag kasama ka Tanggol.’’

“Salamat Mam sa pagti­tiwala.’’

Tumatakbo sila sa ilang na lugar nang may matanaw si Tanggol na nakaharang sa daan.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

JINKY

MAM JINKY

MARAMI

MULONG

OPO MAM JINKY

SALAMAT MAM

SALAMAT TANGGOL

SHY

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with