^

Punto Mo

Lampong (212)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG naglalakad ay kinakausap ni Dick ang babae. Baka may makuha pa siyang impormasyon ukol kay Jinky. Mamaya na lamang siya mag-iisip ng paraan kapag nakarating na sila sa bo­dega raw ng mga itlog.

“E siyanga pala Miss puwede ko bang malaman ang pangalan mo. Ako nga pala si Dick.”

“Ako po si Tina.”

“Bale ikaw ang tagapamahala niya?”

“Ako po ang tuma­tayong secretary. Mabait po ang may-ari na si Mam Jinky.”

“Talaga. Matagal na ba ang inyong itikan?”

“Mga dalawang taon na po.”

“Mabilis ang asenso kung ganoon. Mahusay sigurong magpatakbo ng negosyo si Mam Jinky mo.”

“Opo, Sir Dick. Mahusay po. At lahat po kaming mga manggagawa niya ay hindi dinadaya. Mayroon kaming SSS at Pag-IBIG at iba pang benefits.”

“Makatao pala si Mam Jinky. Kaya pala umaasenso kayo.”

“Lahat po kami ay mga babae sa itikan ni Mam Jinky.’’

“Talaga? Bakit naman puro kayo babae?”

“Sabi po ni Mam Jinky para raw magkaroon ng trabaho ang mga babae sa Bgy. Villareal. Kung lahat daw ay may trabaho walang magugutom. At meron pa pong isang dahilan kung bakit pawang mga babae ang trabahador…”

“Ano yun?”

“E secret po.”

Nagtawa si Dick.

“Hindi mo puwedeng sabihin?”

“Masyadong pong personal.”

“A okey sige.”

Natahimik sila.

Maya-maya natanaw nila ang traysikel ni Mulo. Si Mulo ang traysikel drayber­ na kinontrata ni Dick.

“Malayo pa ba rito ang bodega, Tina?”

“Malapit na po.”

“Sumakay na tayo ng traysikel. Yung traysikel na yun ay kinontrata ko.”

“Sige po sumakay na tayo.”

Lumapit sila sa traysikel.

Nang makalapit sa traysikel, biglang napasigaw si Tina nang makita ang drayber na si Mulo.

“Mulo! Ikaw nga ba Mulo?”

Gulat na gulat si Dick. Kilala ni Tina si Mulo.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKIT

MAHUSAY

MAM JINKY

MULO

SI MULO

SIR DICK

TALAGA

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with