^

Punto Mo

Mga pulis, nakababad sa bookies ni Jeff

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ng idol ko na si Manila Mayor Alfredo Lim itong kumakalat na balita na ang mga butas ng karera ni alyas Jeff sa Sampaloc ay front lang ng bentahan ng bato o shabu. Kailangan kumilos na si Lim bago kumalat ang taguri na pugad ng shabu itong Sampaloc district kung saan nakatira ang spokesman niya na si Ric de Guzman at city administrator na si Jay Marzan. Hindi lang yan! Kapitbahay din ni Jeff itong si Guia Gomez Castro, na tatakbong konsehal sa darating na May elections sa ilalim ng Liberal Party ni Lim.

Teka nga pala, bakit tikom ang bibig ni De Guzman sa illegal na negosyo ni Jeff? At totoo ba na ang kamag-anak ni Castro na si alyas Nardo ay naaresto sa kasong bato sa Bulacan? Ang mga katanungang ito ay mareresolba lang kapag napaimbestigahan na ni Lim itong mga butas ni Jeff, na naka-umbrella kay SPO4 Gener Presnedi, alyas Paknoy, na naka-assign sa jail ng CIDU ng MPD. Pero ’wag nang iutos ni Lim ang pag-imbestiga kay Jeff kay MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez dahil nagbibilang na siya ng baon… este nagbibilang na siya ng araw ng kanyang pagretiro sa Abril. Get’s n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko sa Sampaloc na maraming kababalaghan dito sa pagpatakbo ni Jeff sa kanyang negosyo na bookies ng karera. Nagtataka kasi ang mga kosa ko kung bakit nagbibigay pa ng incentives si Jeff sa kanyang mga personnel kahit  talo siya. Ibig bang sabihin niyan, palugi ang takbo ng karera ni Jeff? Eh saan na kukunin ni Jeff ang budget para sa incentives ng mga tauhan niya kundi sa pagtutulak ng bato, di ba mga kosa?

Ang kinukuha ring puwesto ni Jeff at yaong mga dispalinghado o hindi maganda para sa mga operator ng bookies tulad nina Boy Abang, Apeng Sy, Lando Simbulan, Erlan Samson, Boni Abad, Von Cruz, Arnold Sandoval, Mike Pornillos, Ver Navarro at iba pa. Subalit may naiibang gimik si Jeff dahil kumukuha siya ng mga magagandang kubrador o tagalista ng taya, kahit hindi pa nito kabisado ang trabaho, para dumugin ng parukyano ang kanyang mga puwesto. At kapag malas ang mananaya, hindi sila makalipat sa ibang butas para manaya dahil mga pulis ang look-out at runner ni Jeff. Kapag tapos na ang karera, pulis din ang kumukuha ng ruta, at take note Mayor Lim, naka-uniporme pa ito at gamit ang isang motorsiklo.

Ngayon Mayor Lim, my idol Sir, nagtataka ka pa ba kung bakit tumataas ang bilang ng kriminalidad sa Maynila? Paano kasi ang mga pulis mo nandon nagmu-moonlight sa mga bookies ng karera ni Jeff sa Sampaloc. Anong say mo dito Mr. Ric de Guzman Sir? Ibuka mo naman ang bibig mo dito sa modus operandi ng karera ni Jeff.

Tinatawagan ko si Sr. Supt. Napoleon Taas, ang bagong hepe ng AIDSOTF sa Camp Crame na silipin din itong akusasyon laban sa karera ni Jeff at nang matuldukan na ito. Baka naman may naninira lang dito kay Jeff dahil malayo na ang narating ng kanyang negosyo? Hintayin natin ang resulta ng imbestigasyon nina Lim at Taas bago tuluyang husgahan ang negosyo ni Jeff, di ba mga kosa? Babalikan ko ang tropa ni Paknoy sa susunod na isyu.

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

APENG SY

ARNOLD SANDOVAL

BONI ABAD

BOY ABANG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

JEFF

LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with