^

Punto Mo

Mga sikat ngayon …kinawawa noong araw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NARITO ang mga celebrities na naging biktima ng bullying noong bata pa sila:

Pierce Brosnan

Mula sa maliit na bayan sa Ireland ay lumipat silang mag-ina sa London dahil overseas worker bilang nurse ang kanyang ina doon. Mga 11 taong gulang siya at ‘ika nga ay “new kid in town”  kaya siya ang pinag-initan ng mga bullies. Isa pa, kaya siya minamaliit at laging kinakantiyawan ay dahil sa kanyang Irish accent. “Irish” ang binyag sa kanya ng mga kaklase. Noon ay katawa-tawa ang pagiging Irish, parang jologs ang tingin sa kanila ng mga sosyal na taga-London. Pero ipinagmamalaki ni Pierce Brosnan, nakaya niya ang lahat ng pang-aapi sa kanya at lumaki pa rin siya na balanse ang personalidad. Kasi kung napatalo siya sa pang-iinsulto sa kanya, hindi siguro siya magiging sikat na James Bond.

Tyra Banks

Ang masakit kay Tyra, crush niya sa grade school ang nang-api sa kanya. Bigla nitong sasabihin sa mga kaklase ang mga ganitong pangungusap: “Huwag ninyong palalapitin sa akin ang babaeng  payatot na matangkad, may mga alambre sa ngipin (braces) at may malapad na noo.” Ang sakittt! Yung crush ko ang madalas manakit ng aking damdamin. Nagtatago ako sa toilet at doon nag-iiyak, pagtatapat ni Tyra sa isang interview.

vuukle comment

BIGLA

HUWAG

ISA

JAMES BOND

KASI

PIERCE BROSNAN

TYRA

TYRA BANKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with