^

PSN Showbiz

Pinoy fans disappointed: Zac Efron ipinasok sa rehab, matagal nang hooked sa cocaine

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Disappointed na disappointed kay Zac Efron ang kanyang Pinoy fans dahil sa kumpirmadong balita na hooked siya sa paggamit ng droga kaya ipinasok sa isang rehabilitation center.

May reason para madismaya ang fans ni Zac dahil ito ang ginawa nila na role model, sa pag-aakala na Mr. Clean ang ex-boyfriend ni Vanessa Hudgens na may dugong Pinoy.

So, may idea na tayo sa tunay na dahilan ng pakikipag­hiwalay kay Zac ni Vanessa. Kinaimbyernahan noon si Vanessa dahil nagawa nito na iwanan ang kanyang nobyo. ‘Yun pala, may mabigat na dahilan.

Dinumog ng Pinoy fans si Zac nang bumisita ito sa ating bansa noong September 2012. Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy na walang kaalam-alam na may masamang bisyo ang hinahangaan na American actor.

Matagal nang hooked si Zac sa paggamit ng cocaine. Ang ibig sabihin, drug user na siya nang dumalaw sa Pilipinas, halos isang taon na ang nakararaan.

Hmm,  gaano tayo nakasisiguro na hindi  umiskor si Zac habang naririto sa Pilipinas. Umiskor daw o!

Kita ng isang filmfestival hindi pa lumampas sa P7M

May nagkuwento sa akin na hindi lumampas sa pitong milyong piso ang total gross ng isang film festival.

Ang ibig sabihin, flopsina ang filmfest na kumita raw sana kung na-promote na mabuti ng humawak sa promo at publicity.

Marami ang nanghihinayang dahil hindi tinangkilik ang film festival na tinutukoy ko dahil magaganda raw ang mga pelikula na kasali. Puwede pa naman na makabawi ang mga organizer ng filmfest sa susunod na taon.

‘Yon eh kung ganado pa sila na itaguyod ang film festival na hindi gaanong lumikha ng ingay.

AiAi balik-GMA na

Mga bisita namin bukas sa Startalk sina AiAi Delas Alas at Marian Rivera dahil ipo-promote nila ang kanilang coming soon movie, ang Kung Fu Divas na magbubukas sa mga sinehan sa susunod na buwan.

May permiso ng ABS-CBN ang pag-apir ni AiAi sa show ng GMA 7. Parang ex-deal ang nangyari dahil pumayag ang GMA 7 na tumuntong si Marian sa bakuran ng ABS-CBN para sa promo ng Kung Fu Divas.

Hindi stranger si AiAi sa GMA 7 compound dahil ito ang station na pinanggalingan niya bago siya lumipat sa ABS CBN.

Visible sa TV sina AiAi at Marian dahil showing na sa mga sinehan sa October 2 ang Kung Fu Divas. Kailangang kumita sa takilya ang pelikula dahil mga investor din sila.

Aktres naduwag, paninira sa pinakinabangang aktor binura na

Sagana lang sa ingay ang isang nalaos na aktres pero nuknukan din siya ng duwag. Kung talagang matapang siya, hindi niya buburahin ang kanyang mga pagtataray sa social media.

Eh duwag nga ang hitad. Takot din naman sa mga demanda kaya binura niya agad ang mga paninira laban sa aktor na kanyang pinakinabangan nang todo.

Wala nang naniniwala sa aktres dahil wasak na wasak na ang kanyang kredibilidad. Kahit nga yata ang kanyang sarili, hindi na rin niya pinaniniwalaan dahil capable siya na mag-imbento ng mga balita.

Plano sa Binoy Henyo nasunod

May reminder ang GMA 7, ang ending ng Binoy Henyo na mapapanood ngayong gabi. Nasunod ang original plan na hanggang nine weeks lamang ang airing ng Binoy Henyo. Hindi na puwedeng i-extend ang show dahil ready for showing na ang Prinsesa ng Buhay Ko na isang romantic comedy project na tatampukan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Introducing si Renz Fernandez sa Prinsesa ng Buhay Ko. Siya ang gaganap na kapatid ni Aljur na magiging karibal nito sa puso ni Kris.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BINOY HENYO

BUHAY KO

DAHIL

KUNG FU DIVAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with