ATM dinale ng ‘Termite Gang’
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Mas pinaigting ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang seguridad sa mga bangko at iba pang financial establishments sa buong lalawigan ng Quezon kasunod ng pagnanakaw ng mga hinihinalang miyembro ng Termite Gang sa Automated Teller Machine (ATM) ng isang bangko sa Barangay Poblacion, Candelaria Quezon, iniulat kahapon.
Agad na inatasan ni QPPO Director PCol.Romulo Albacea ang lahat ng hepe ng pulisya sa mga bayan at lungsod na magsagawa nang mas mahigpit na security checks at monitoring sa mga bangko, at makipag-ugnayan sa mga bank manager at security personnel.
Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng mga suspek ang bangko at nagbutas mula sa hindi kalayuang bukas na manhole patungo sa ilalim na bahagi ng ATM booth saka sapilitang binuksan ang cash cassette.
Inaalam pa hanggang sa ngayon ang eksaktong halaga ng perang natangay ng mga magnanakaw.
- Latest

















