^

Probinsiya

3 overstaying Chinese huli sa Tawi-Tawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng pinagsanib ng mga awtoridad ang tatlong overstaying na Chinese national sa isinagawang operasyon sa Tawi-Tawi nitong Biyernes.

Ito’y sa gitna na rin ng ulat hinggil sa umano’y sleeper cell ng minamaniobra ng mga Chinese national sa bansa na iniuugnay sa umiinit na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa report, kabilang sa mga nadakip ay isang lalaking Chinese at isang babae na nasakote naman sa Camp Alejandro Suarez sa Brgy. Poblacion sa kapitolyo ng Bongao.

Arestado rin ang ikatlong Chinese national na tinangka pang tumakas, ilang minuto matapos masakote ang dalawa nitong kasamahan.

Nagsagawa ng operasyon upang arestuhin ang tatlong Chinese ang pinagsanib na elemento ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit, Tawi-Tawi Police Provincial Office (PPO), PNP Maritime Group at iba pang specialized units ng pulisya.

Bago ito ay naispatan na ng mga ope­ratiba ng PNP-Maritime Group ang naturang mga Chinese na kahina-hinalang gumagala sa Port of Mapun, Tawi-Tawi.

Sa isinagawang beripikasyon ng Bureau of Immigration, ayon sa pulisya ay nadiskubreng overstaying na ang nasabing mga Chinese na paso na ang mga visa.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with